^

Bansa

Barangay at SK elections idadaos na sa 2017

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Mayorya ng Kamara nagkasundo

MANILA, Philippines – Pumabor ang mayorya sa Kamara de Represen­tantes sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa susunod na taon.

Sa ginanap na caucus ng super majority sa Kamara, napagkasunduan nila na sa halip na sa Oktubre 31, 2016 idaos ang halalan ng Brgy at SK ay ililipat ito sa  ikaapat na Lunes ng Oktubre ng taong 2017.

Dahil dito, inihain na sa Kamara ang panukala na nagpapaliban sa Brgy at SK elections at dahil sa urgency ay magiging mabilis ang proseso nito .

Paliwanag ni House Majority leader Rodolfo Farinas, sa Lunes ay magkakaroon na ng meeting ang Committee on Suffrage na pinamumunuan ni Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna upang makapaglabas ng subs­titute bill para pagsasasamahin ang lahat ng panukala na nauna na ring inihain para sa pagpapa­liban ng eleksyon.

Dahil dito, magkakaroon ng concurring bill at saka ito irereport sa Lunes o Martes para sa ikalawang pagbasa kung saan dito magkakaroon ng amendments at debates at saka isasalang sa third at final reading sa Setyembre 12 .

Iginiit ni Farinas, hin­di na magkakaroon ng bicameral conference committee sa pagitan ng Senado at Kamara at papipirmahan na lamang ang panukala kay Pangulong Duterte upang ganap na maging batas.

Nilinaw pa ng majority leader na ang Brgy at SK election postponement lamang ang kanilang  tinututukan sa ngayon at hindi pa ang sinasabing pagpapa-abolish sa posisyon ng mga kagawad.

Nabatid na inihinto na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang printing ng mga balota.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with