^

Bansa

Extrajudicial killings sisiyasatin din sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagtutol ni House Speaker Pantaleon Alvarez na imbestigahan ng Kamara ang extrajudicial killings sa mga  hinihinalang drug suspects sa bansa, naghain pa rin ng resolusyon ang Maka­bayan bloc  para sa pagsisiyasat nito.

Sa House Resolution 259 na inihain nila Act Teachers Party-List Reps. Antonio Tinio at France Castro, Gabriela Women’s Party Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Isagani Zarate, Anakapawis Party-List Rep. Ariel Casilao at Kabataan Party-List Rep. Sarah Jane Elago , hiniling nilang siyasatin ng mababang kapulungan ang mga drug related extrajudicial at vigilante killings kasabay nang maigting na kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.

Giit  ng mga kongresista, lubhang nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng pagpatay sa mga drug suspects na karaniwang sinasabing nanlaban kaya umano napatay ng mga awtoridad.

Nakasaad pa sa reso­lusyon, mas nakasentro ang kampanya sa iligal na droga sa mga small time drug dealers at pushers na napapatay kumpara sa mga drug cartels, big-time drug lords, at mga protector na pinapangalanan, buhay at nakakapagtrabaho pa.

Base umano sa tala simula ng pumasok ang Duterte administration, umabot na sa mahigit isang libong kaso ng extrajudicial killings mula sa may mahigit 1,900 kaso ng na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with