^

Bansa

5 patay sa Las Piñas, Taguig

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang kalalakihan  ang nasawi kabilang ang dalawang miyembro ng motorcycle riding in tandem criminals group at sangkot sa droga sa magkakahiwalay na insidente na iniulat kahapon  sa Las Piñas at  Taguig City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa nasawing tandem sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre  ng baril.

Nagpapatrulya ang mga kagawad ng Police Community  Precint (PCP) 7, Las Piñas City Police ng ala-1:30 ng madaling  araw sa Cypress St., Brgy. Pilar Village, namataan nila ang dalawang  kalalakihang magkaangkas sa motorsiklo at walang suot na  helmet ang mga ito.

Sinita ito ng mga police, subalit binalewala ito ng mga suspect kung saan pinaputukan pa  ang mga pulis na gumanti na rin ng putok na ikinasawi ng dalawa.

Patay naman si Alexander Guinson,  pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang dalawang suspect habang  papauwi sa kanilang bahay sa lungsod.

Natagpuan naman ng ilang residente ang bangkay ng  hindi kilalang  lalaki matapos itong  pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect alas-3:40 ng madaling araw sa Rosal St., TS Cruz Subdivision, Brgy. Almanza Dos, Las Piñas City.

Samantala, sa Taguig City, pinagbabaril at napatay ang umano’y kilabot na tulak ng droga na si alyas Rolando Paredes, ala-1:05 ng madaling araw nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect si Paredes sa PNR Site,  Purok 10, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with