^

Bansa

Federal Government pinabibilis ni President Rody

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte sa mga mambabatas ang pagbuo ng Federal Government sa Pilipinas.

Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) sa joint session sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon, sinabi ni Pa­ngulong Duterte sa harap ng mga mambabatas na madaliin ang pagbabago ng porma ng gobyerno tungo sa federalism upang maisumite na ito sa taumbayan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na agad siyang bababa sa puwesto kapag nabuo na ang kanyang minimithing Federal Go­vernment.

“Kung papayagan na ng taumbayan  sa pamamagitan ng referendum ang Federalism at may natitira pa akong termino ay handa na akong sumibat. Sibat na ako,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa harap ng mga mambabatas, mga miyembro ng Gabinete, dignitaries at ibang mga bisita na dumalo sa SONA sa Mababang Kapulungan.

Wika pa ni Pangulong Duterte, kung maisusumite ng Kongreso ang federa­lism sa 4th o 5th year ay puwede nang magpatawag ng referendum upang magdesisyon na ang taumbayan.

Samantala, isinusulong din ng PDP-Laban ang federalism form of government sa pamamagitan ng mga round table discussions upang makakuha ng mas akmang porma ng pederalismo na akma para sa Pilipinas. Ang mga posibleng maging estado sa ilalim ng pamahalaang Federal ay tulad ng Northern Luzon, Central Luzon, Visayas, Davao Gulf, ARMM, Sulu at Tawi-tawi at National Capital Region.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with