24-hour hotline sumbungan bubuksan ni Duterte
MANILA, Philippines — Upang mas mabilis ang pag-aksyon ng gobyerno, magbubukas ng 24-oras na hotline ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing sumbungan ng bayan.
Sinabi ni Duterte sa kauna-unahan niyang cabinet meeting na ang hotline 8888 ang tatanggap ng mga reklamo at sumbong ng mga mamamayan na ididiretso sa bawat ahensya ng gobyerno.
"I am setting up a complaint office 24 hours manned by 10 operators over the entire country," wika ni sa kaniyang gabinete.
BASAHIN: Handa na akong paglingkuran ang bayan – Duterte
"The number would be 8888 and they can report to me any complaint and there will be a manager who will read their complaints with the proper office," dagdag ng bagong pangulo na numpa kahapon.
Sa kaniyang higit dalawang dekadang pamumuno sa Davao City, naitatag ni Duterte ang 24-hour emergency hotline 911 na handang rumesponde ng mabilisan.
Si Duterte ang ika-16 na pangulo ng Pilipinas matapos bumaba sa pwesto kahapon si dating Pangulo Benigno Aquino III.
PANOORIN: Panunumpa ni Duterte bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas
- Latest