^

Bansa

Buhay Partylist sumaklolo sa CONSLA vs ‘dayaan’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Buhay Partylist ang panawagan ng  grupong Confederation of Non-Stock Savings and Loan Associations, Inc. (CONSLA) sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang umano’y pagmamanipula sa boto sa naganap na eleksyon noong Mayo 9,2016.

Unang sinabi ng abogado ng CONSLA na si Atty. Rodolfo San Diego na ang kanilang grupo ay nakakuha ng 555,896 boto batay sa tala ng Parish Pastoral Council Responsible Voting (PPCRV) alas 12 ng tanghali pa lang noong araw ng election. Pero ikinagulat ito ng grupo ng CONSLA nang lumabas sa resulta ng canvassing ng Comelec na nakakuha lang itong botong 213,814.

Kaya naman iginiit ni Arnold Arriola, opisyal ng Buhay Partylist  na ganap na alas 10:40 ng gabi ay nakakuha na ang CONSLA ng boto na umaabot sa  342,513 noong eleksyon  sa 66,262  clustered precinct  o 74.18% ng lahat ng clustered precinct at naitala ng nasa ika-17 ranggo kumpara sa mga kalaban nitong Partylist.

Sa sinumpaang affidavit ni Arriola, sinabi pa nito na nagtungo siya sa headquarters ng PPCRV noong Mayo 9 ng alas-8 ng gabi upang magtanong hinggil sa resulta ng botohan sa mga Partylist groups ngunit wala naman  nakuhang resulta matapos ang ilang  oras na paghihintay.

Aniya, dakong alas 10:30 ng gabi nang makausap niya ang isang Rommel Bernardo  at ipinakita nito ang resulta ng quick count na isinagawa ng PPCRV at masuwerteng nakuhanan ito ng litrato.

Ang nasabing litrato ay isinumite ng CONSLA sa Comelec at PPCRV para suportahan ang reklamo nito laban sa nasabing mga ahensiya. Makikita aniya dito ang malaking pagkakaiba ng bilang ng boto pabor sa CONSLA na inilabas ng PPCRV at Comelec.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with