^

Bansa

JV Ejercito pinaaaresto ng Sandiganbayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakakita ng probable cause ang Sandiganbayan upang ipaaresto si dating San Juan Mayor at ngayo’y Sen. Joseph Victor "JV" Ejercito kaugnay ng maanomalyang pagbili ng high-powered  guns.

Sa inilabas na kautusan ng 6th Division ng anti-graft court, kasama sa pinaaaresto ang iba pang dating opisyal ng lungsod na sina dating Vice Mayor Leonardo Celles at mga miyembro ng Sangguniang Panglusod na sina Angelino Mendoza, Rolando Bernardo, Domingo Sese, Francisco Zamora, Dante Santiago, Grace Perdines, Francis Keith Peralta, Eduardo Soriano, Jannah Ejercito-Surla at Joseph Christopher Torralba.

"Let [warrants] of arrest be issued against all the accused," nakasaad sa kautusan.

BASAHIN: JV Ejercito kinasuhan ng graft, malversation ng Ombudsman

Nag-ugat ang kasong technical malversation sa pagbili ng 20 submachine guns na nagkakahalaga ng P2.1 milyon noong 2008 kung saan hinugot ang pambili sa calamity fund ng lungsod kahit hindi naman sila nakapailalim sa state of calamity.

Ang Sanggunian ang nagpasa ng ordinansa upang bilhin ang mga armas, habang si Ejercito, bilang alkalde, ang nag-apruba nito.

Nauna nang ipinaresto ng 5th Division si Ejercito para naman sa kasong graft sa parehong isyu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with