Mayor ng Zamboanga Del Sur kinasuhan ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman si Mayor Wilfredo Asoy ng Dinas, Zamboanga Del Sur dahil sa sinasabing pagkabigong ma-liquidate ang P2.4 milyong pondo ng gobyerno.
Kasong malversation of public funds, 30 counts ng failure to render accounts at paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) ang isinampa ng Ombudsman laban kay Asoy.
Lumalabas sa rekord na ang P2.4milyon ay ginastos sa supplies, gasoline, construction materials, travel expenses, intelligence fund at iba pa noon pang December 2011 pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nali-liquidate ni Asoy.
Sinasabing makailang beses nang inabisuhan si Mayor Asoy na iliquidate ang kanyang mga pinagkagastusan noong 2011 pero bigo pa rin itong aksiyunan ang mga demands.
- Latest