^

Bansa

PNP nakahanda sa nationwide massive reshuffle

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa malawakang reshuffle  sa hanay ng mga matataas na mga opisyal hanggang sa pinaka­mababang ranggo sa buong bansa na ipatutupad ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor, nasa kapangyarihan na ng susunod na Pangulo kung nais nito na magpatupad ng  massive revamp kung ito’y para sa ikabubuti ng kanilang organisasyon.

“Being the incoming President and would be President, he has all the power to do that it is within his authority and discretion and prerogative to assign any personnel in any areas where he deem necessary for them to be there,” ani Mayor.

Ginawa ni Mayor ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni Duterte na kokonsultahin na niya si incoming PNP Chief P/Chief Supt. Ronald “Bato” de la Rosa para sa pagpapatupad ng malawakang reshuffle sa mga matataas na opisyal ng PNP hanggang sa rank and file sa buong bansa.

Nabatid na ang nasabing hakbang ay bunga na rin ng mahinang performance ng PNP at upang linisin ang mga sangkot sa illegal na droga.

Binigyang diin pa nito na nakahanda sila kung saan sila susunod na madedeploy dahil bahagi ito ng kanilang trabaho bilang mga law enforcer.

Nabatid  na bukod sa PNP ay plano ring magpatupad ng malawakang rigodon ni Duterte sa tanggapan ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Iwahig Penal Colony, at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Samantala, plano rin ni Duterte na italaga ang mga opisyal ng PNP sa Metro Manila sa Davao o iba pang bahagi ng Mindanao Region tulad ng Jolo, Sulu para isabak ang mga ito laban sa mga bandidong Abu Sayyaf.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with