^

Bansa

Balimbingan na Tao ni PNoy lumilipat na kay Grace

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unti ng kumakalas sa Malacañang ang mga opisyal ni Pangulong Aquino para lumipat sa kampo ni Sen. Grace Poe.

Maging ang mga kongresista na kasalukuyang nasa Liberal Party (LP) ay hinihintay na lamang ang opisyal na desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa disqualification case ni Poe para maglipatan na rin sa kampo ng senadora at iwan na si LP standard bearer Mar Roxas.

Ayon sa source, nagbitiw na sa kanyang puwesto si Communications Asec. Zaldy de Loyola at lumipat sa kampo ni Poe. Bitbit naman ni de Loyola ang dating presidential chief photographer na si Jay Morales.

Nauna rito, nag-leave naman si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte upang tumulong sa communications group ni Roxas.

Magugunita na dumalo si Poe sa birthday party ni Pangulong Aquino noong Lunes sa Bahay Pangarap na ikinagulat ng mga “dilawan” na naroroon din sa kaarawan ng chief executive.

Nagtaasan daw ang kilay ng mga ‘dilawan’ na loyalista ni Roxas ng biglang dumating sa kaa­rawan ni PNoy ang na­ngunguna sa presidential survey.

Sinabi pa ng source, ilang gabinete at opisyal ng gobyerno na hindi pa hayagang sumusuporta kay Mar ay lumapit sa lamesa ni Poe.

Itinanggi ni Poe na secret candidate siya ni PNoy kahit ang hayagang sinusuportahan nito ay si Roxas.

Iginiit din ng kampo ni Poe na inimbitahan siya ng Pangulo kaya ito dumalo sa birthday party taliwas sa nais palitawin ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na nagpumilit daw ang presidential candidate na magpakumbida kay PNoy ng batiin nito sa pamamagitan ng text ng happy b-day.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with