^

Bansa

30-taon hidwaan ng pamilya Duterte at Nograles tinapos na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines – Tinuldukan na nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating House Speaker Prospero Nograles ang 30-taon hidwaan ng kanilang pamilya.

Sinabi ni Nograles na ang kanyang buong pamilya kabilang na si re-electionist Karlo Nograles ay susuporta sa tamba­lang Duterte- Bongbong Marcos sa 2016 presidential elections.

“Today is a historic day, nag-announce na si Duterte, my enemy for 30 years and I am publicly supporting him. I will campaign for him, whether he appreciate it or not. Tapos na ang LQ,” ayon pa sa dating speaker.

Nilinaw pa nito na kailanman ay hindi naging personal ang politika sa Davao kaya kaila­ngan na silang magkaisa.

Para naman kay Duterte dapat lang na suportahan siya ng mga Nograles dahil bukod sa magkakamag-anak sila ay tapos na rin ang anumang isyu sa pagitan nila.

Sa ngayon ang batang Nograles lang ang hayagang nagbibigay ng suporta kay Duterte sa Kamara.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BONGBONG MARCOS

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

KAMARA

KARLO NOGRALES

NILINAW

NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with