^

Bansa

2 Pinoy pa nadale ng MERS-CoV sa Saudi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May dalawa na namang Pinoy ang kabilang sa mga 18-20 bagong tinamaan ng nakamamatay na sakit na Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-CoV) sa Saudi Arabia.

Sa ulat mula sa Ministry of Health ng Saudi nitong Marso 2, may mga bagong kaso ng MERS-Cov ang kinumpirma sa isinagawang mga pagsusuri mula Peb­rero 22-28.

Ang mga pasyente umano na tinamaan ng nakamamatay na virus ay nagkaka-edad ng mula 24-91.

Wala pang kumpirmasyon mula sa Department of Foreign Affairs sa naturang ulat.

Bukod dito, isang hiwalay na ulat naman ang lumabas na tatlong Pinoy ang kabilang sa 20 bagong kaso kabilang na ang 9 Saudi national, tatlong Yemeni, dalawang Indian, isang Egyptian, isang Sudanese at isang Syrian.

Sa hiwalay na report, 18 ang kinumpirma na tinamaan ng MERS-CoV na kinabibilangan ng 13 lalaki at limang babae. Naitala ang mga bagong 12 na kaso sa Riyadh at tig-isa sa mga lugar sa  Alp-Ihsa, Khobar, Jeddah, Najran, Buraida at Al-Jouf.

vuukle comment

AL-JOUF

ALP-IHSA

BUKOD

BURAIDA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME-CORONAVIRUS

MINISTRY OF HEALTH

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with