^

Bansa

Purisima pahaharapin sa Senate probe

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinapaharap sa Senado ang suspendidong si Philippine National Police Chief Gen. Alan Purisima para sa isasagawang im­bestigasyon nito kaugnay sa pagkasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force sa engkwentro nito noong Enero 25 sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Sen. Grace Poe, chairman ng Se­nate committee on public order and dangerous drugs kasama ang Senate Committee on Peace, Unification and Reconciliation, na dapat humarap si Purisima sa isasagawang imbestigasyon sa Pebrero 4 matapos madawit ang pangalan nito at sinasabing siya ang nagkokontrol ng SAF operations sa Mamasapano, Maguindanao kahit suspendido na ito.

Nagbanta pa si Poe na gagamitin ng Senado ang kapangyarihan nito upang puwersahing dumalo sa pagdinig ang suspen­di­dong PNP chief at kapag inisnab daw nito ang imbitasyon ay mapipilitang silang magpadala ng subpoena kay Purisima.
   Nabatid na mula nang lumabas ang pangalan ni Purisima na siya ang may plano sa naturang operasyon ng SAF ay hindi pa ito nagbigay ng komento sa publiko at sa halip ay pumunta sa Saipan.

Bukod kay Purisima ay iimbitahan din ng Senado ang kinatawan mula sa gobyerno at MILF at iba pang resource person na maaring makapagbigay-linaw sa nangyari.

Magugunita na 44 na miyembro ng Special Action Force ng PNP ang nasawi sa nasabing engkwentro habang mahigit 10 din na SAF ang nasugatan noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguin­danao upang isilbi ang arrest warrant laban kay Malaysian bomb expert Marwan at Basit Usman.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BASIT USMAN

ENERO

GRACE POE

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

MAMASAPANO

PURISIMA

SENADO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with