^

Bansa

Pinay ‘for sale’ sa Singapore

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Cagayan de Oro Rep.Rufus Rodriguez sa Kamara ang ulat na ina­alok ang mga Pinay na kasambahay sa isang mall sa Singapore na mistulang ordinaryong produkto.

Ayon  kay Rep. Ro dri­guez, nakatanggap siya ng impormasyon na ang Bukit Timah Shopping Center at Katong Shopping Center sa Singapore ay mayroong galleries ng mga dayuhang babaeng manggagawa mula sa mga bansang Pilipinas, Indonesia at Myanmar.

Inaalok umano ang mga ito bilang domestic worker sa Super promo rates o napakamurang halaga lamang.

Ang bawat isa umano sa mga ito ay mayroong katapat na poster kung saan nakasulat ang kanilang katangian at discounted na halaga subalit itinanggi naman umano ng Ministry on Manpower ng Singapore ang nasabing ulat.

Subalit giit ni Rep. Rodriguez, hindi dapat makuntento ang Pilipinas partikular ang Kongreso sa simpleng pasinungaling lamang at sa halip ay kailangan ito ng masusing imbestigasyon.

Bukod dito, nararapat din umanong malaman kung may kasabwat na lokal na manpower agencies sa ganitong aktibidad para mapatawan ito ng mabigat na parusa.

vuukle comment

AYON

BUKIT TIMAH SHOPPING CENTER

BUKOD

INAALOK

KAMARA

KATONG SHOPPING CENTER

ORO REP

PILIPINAS

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with