^

Bansa

Misis kinatay ng kawatan, anak sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumaldumal ang sinapit ng isang 37- anyos na ginang matapos na pagtatagain ng isang kawatan habang sugatan naman ang 10-anyos nitong anak na lalaki sa Brgy. Arcanghel Norte, Balete, Aklan kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Marilou Venancio,  na napuruhan  ng mga taga sa leeg, ulo at mukha.

Samantalang kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Aklan Provincial Hospital sa tinamong bahagyang sugat sa leeg ang 10-anyos nitong anak na si Mark Venancio na nakaligtas matapos na makapagtago.

Base sa report ng Aklan Police, naganap ang insidente sa tindahan ng biktima sa nasabing lugar bandang alas-8:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyan nang natutulog ang ginang at mga anak nito kabilang ang isang sanggol nang magulantang sa malalakas na pagkatok ng naka-bonnet na lalaki na bumibili ng alak sa kaniyang sari-sari store.

Nang pagbuksan ng ginang ay agad nagdeklara ng holdap ang lalaki na humihingi ng pera pero pumalag ang biktima bunsod upang pagtatagain ito ng suspek.

Samantalang bahagya namang nasugatan ang batang lalaki sa kaniyang leeg matapos na tagain din ng suspek na bagaman sugatan ay nagawang makatakbo sa kanilang silid na isinarado nito sa matinding takot.

Nagmamadali namang lumisan ang suspek matapos na magising ang mga kapitbahay ng ginang sa nilikhang kalabugan ng insidente at pagsigaw ng tulong ng ginang. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang kasong ito.

 

vuukle comment

AKLAN

AKLAN POLICE

AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL

ARCANGHEL NORTE

AYON

BRGY

ISINASAILALIM

MARILOU VENANCIO

MARK VENANCIO

SAMANTALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with