^

Bansa

Makupad na holdaper, timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang isang makupad na holdaper matapos holdapin ang isang promodizer sa loob ng isang pampasaherong bus sa Balintawak, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Richard Aquino, 18, binata ng 1371 Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, QC.

Nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng suspek na sina Dave Aguilar at Jerome.

Ipinagharap ng reklamo ang mga suspek ng complainant na si Maricris Bonifacio, 21, promodiser ng 1054 D. Danleon St., Liwanag St. Tondo, Manila.

Sinabi ni SPO2 Edwin dela Cruz ng QC Police District station 3 Talipapa, naganap ang insidente sa loob ng pampasaherong bus sa harap ng Chow­king sa may Bgy. Unang Sigaw, Balintawak.

Sinasabing sakay ang biktima ng bus nang dikitan ito ng mga suspek at tutukan ng patalim sabay deklara ng holdap.

Nilimas ang mamaha­ling cellphone ng biktima na Samsung na nagkakahalaga ng P14,000 at agad na bumaba sa bus ang mga holdaper.

Nagreklamo naman ang biktima sa barangay at sa mga pulis sa lugar na agad nagsagawa ng follow-up operation dahilan para madakip ang suspek na si Aquino habang hawak pa ang cellphone ng biktima. (Angie dela Cruz)

 

vuukle comment

BALINTAWAK

CRUZ

DANLEON ST.

DAVE AGUILAR

GANA COMPOUND

LIWANAG ST. TONDO

MARICRIS BONIFACIO

POLICE DISTRICT

UNANG SIGAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with