^

Bansa

'Henry' napanatili ang lakas; signal no.2 sa Batanes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit papalabas na ng bansa si bagyong "Henry," asahan pa rin na magpapaulan ito sa hilagang Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 280 kilometro hilaga-silangan ng Aparri, Cagayan o sa 240 kilometro timog-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng pangwalong bagyo ngayong taon ang lakas na 130 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 160 kph, habang gumagalaw ito pa hilaga-kanluran sa bilis na 24 kph.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas.

Samantala, nakataas pa rin naman ang public storm warning signal no. 2 sa Batanes Group of Islands, habang signal no. 1 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan at Calayan Group of Islands.

Asahan ang mahina hanggang sa paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, CAR, at Cagayan Valley dahil sa pinalakas na hanging habagat.

Magiging maulap naman ang papawirin ng kanlurang bahagi ng Visayas at Luzon, kabilang ang Metro Manila na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Tinatayang nasa 370 km hilaga ng Basco, Batanes bukas si Henry at sa 820 km hilaga-kanluran ng kaparehong lugar sa kamakalawa.

vuukle comment

BASCO

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

CAGAYAN VALLEY

CALAYAN GROUP OF ISLANDS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

ILOCOS REGION

LUZON

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with