^

Bansa

Napoles hindi utak ng 'pork' scam - abogado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago pa man lumutang ang pangalan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa kontrobersyal na pork barrel scam ay tumatakbo na ang operasyon nito, ayon sa isang abogado ngayong Martes.

Sinabi ni Bruce Rivera, abogado ni Napoles, na hindi ang kanyang kliyente ang may utak sa pang-aabuso sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Dagdag niya na mahihirapan ang Department of Justice na patunayang si Napoles ang “architect” ng pork scam.

Kaugnay na balita: Isa pang mambabatas may pinakamalaking kinita sa pork scam – Lacson

"Kami po ay gusto lang namin magsabi ng totoo," wika ni Rivera sa isang panayam sa radyo.

Iginiit din ng abogado na nais lamang nilang ilabas ang katotohanan at hindi para maging state witness at maiwasan ang mga kaso.

"Kung tatanggapin siyang state witness, bakit hindi? Pero 'pag hindi naman, okay lang. 'Yun po ang sinasabi niya sa akin."

Kaugnay na balita: 19 senador sa pork scam 'di sinabi ni Napoles

Sinabi pa ni Rivera na bukod kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay marami pang idinawit na mambabatas si Napoles sa kanyang sinumpaang salaysay na iniabot niya kay Justice Secretary Leila De Lima kahapon.

Samantala, diskumpiyado naman ang kampo ng mga whistleblower sa mungkahing gawing testigo si Napoles.

"May danger na baka guluhin niya yung kaso by contradicting what has already been testified on," banggit ng abogadong si Raji Mendoza sa isang pulong balitaan.

Kaugnay na balita: 'Kaalyado ni PNoy sa pork scam 'di patatawarin'

Aniya hindi komportable ang prime witness na si Benhur Luy sa pagiging testigo ni Napoles.

"Napakalaki ng involvement niya dito. Siya yung may negosyo, nagbibigay ng komisyon."

vuukle comment

BENHUR LUY

BONG REVILLA

BRUCE RIVERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM-NAPOLES

KAUGNAY

NAPOLES

PORK

SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with