^

Bansa

MNLF lumpo na – Palasyo

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo na lumpo na ang puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction.

Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, ipinapalagay nilang malaking dagok ito sa puwersa ni Misuari ang gina­wang walang-humpay na pag-atake sa kanilang puwersa na lumusob sa Zamboanga City.

Sinabi pa ni Carandang, marami-rami na rin sa mga miyembro ni Misuari ang naaresto, nagsisuko at napatay sa mahigit 20 araw na labanan.

Sa pinakahuling talaan ng AFP, umaabot na sa 252 ang bilang ng mga naarestong miyembro ng Misuari group. Hindi pa kasali rito ang mga napatay at mga sumuko sa otoridad.

Sinabi naman ni AFP-PIO chief Lt. Col. Ramon Zagala, na mabibilang na lamang sa daliri ang natitirang puwersa ni Misuari na patuloy na nagtatago sa Zamboanga City kaya’t paminsan-minsan ay mayroon pa ring maririnig na putukan sa siyudad.

Samantala, walo pang miyembro ng MNLF ang napaslang matapos manlaban at magmatigas na sumuko sa tropa ng pamahalaan habang isa naman ang nadakip sa patuloy na clearing operations sa Zamboanga City  kamakalawa .

Ang panibagong bakbakan ay naganap matapos ang isang araw na ideklara nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at ng Malacañang na tapos na ang krisis sa lungsod .

Ayon Col. Zagala, nagsasagawa ng clea­ring operation ang tropa ng gobyerno sa Brgy. Sta. Barbara nang mu­ling magkaroon ng bakbakan ganap alas-6:00 ng umaga kamakalawa na nagresulta ng pagkamatay ng walong MNLF fighters.

Kaugnay nito ay wala munang pull-out sa tropa ng mga sundalo sa Zamboanga City hangga’t hindi natatapos ang isinasagawang clearing operations sa ‘constricted area’ sa Brgy. Sta Barbara at Sta Catalina.

 

vuukle comment

AYON COL

BRGY

DEFENSE SEC

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP SEC

RAMON ZAGALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with