^

Bansa

Impeachment inaksyonan na !

-
Ibinaba na kahapon ni House of Representatives Speaker Manny Villar sa justice committee ng kapulungan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Joseph Estrada matapos niya itong pag-aralan sa loob ng tatlong session day.

Inatasan ni Villar si House Secretary-General Roberto Nazareno na isama sa order of business ang impeachment resolution para masimulan ng komite ang pagtalakay dito.

"Isa itong kagyat na usapin at hinihikayat ko ang committee on rules na payagan ang mga kinauukulang komite na magsesyon kahit sa panahon ng recess ng Kongreso mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 12 para lumabas ang katotohanan," sabi pa ng Speaker.

Sa kasalukuyan, 48 na ang bilang ng mga kongresistang lumagda sa impeachment resolution. Huling pumirma si House Assistant Majority Floor Leader Krisel Lagman-Luistro (LDP, Albay).

Sa ilalim ng impeachment rules, pagdedesisyunan ng justice committee kung may sapat na basihan sa impeachment o pagpapatalsik sa Pangulo. Kapag mayorya ng komite ang bumoto laban sa Pangulo, isusumite ang kaso sa plenary session ng House na siyang pormal na magbobotohan kung dapat patalsikin o panatilihin sa puwesto ang Punong Ehekutibo.

Kapag bumoto para sa impeachment ang buong House, susunod na hahawak sa kaso ang Senado na siyang maglilitis sa Presidente. Kinakailangan ang 2/3 boto ng 22-kataong Senado para tanggalin sa tungkulin si Estrada.

Samantala, sa isang panayam pagkatapos niyang magtalumpati sa Philippine International Convention Center, hinamon ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na isama sa impeachment para kanyang masagot ang lumabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism na nagsilbi umano niyang prente ang kanyang mga cronies na negosyante at abogado sa pagbili ng kabuuang halagang P1 bilyong mga mansion at lote sa ilang eksklusibong subdivision sa Metro Manila.

"Anong bago? Haharapin ko naman ang lahat ng akusasyong ito. Sa tingin ko, kasama ito sa impeachment complaint. Walang problema at walang dapat ikabahala," sabi pa ng Pangulo.

Sinasabi sa ulat na ang negosyanteng si Jacinto Ng, dating Housing Adviser Jose Luis Yulo at Duty-free shop operator Lucio Lao Co ay bumili ng mga bahay at lote para umano sa Pangulo. Tunay umanong nagmamay-ari ng mga ari-arian ang Pangulo at mga asawa nito.

Sa kaugnay na ulat, nagsampa kahapon si dating Constitutional Convention delegate Ramon Gonzales sa Ombudsman ng kasong bribery at katiwalian laban sa Pangulo kaugnay ng pagkakasangkot nito sa jueteng payola.

Sinabi ni Gonzales na dapat lamang isulong ang kaso dahil may matibay na basihan na tumanggap si Estrada ng P10 milyon kada buwan mula Nobyembre 1998 hanggang Agosto 2000 mula sa jueteng lord batay na rin sa akusasyon ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson. (Ulat nina Marilou Rongalerios, Ely Saludar at Grace R. Amargo)

vuukle comment

CONSTITUTIONAL CONVENTION

ELY SALUDAR

GRACE R

HOUSE ASSISTANT MAJORITY FLOOR LEADER KRISEL LAGMAN-LUISTRO

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER MANNY VILLAR

HOUSE SECRETARY-GENERAL ROBERTO NAZARENO

HOUSING ADVISER JOSE LUIS YULO

IMPEACHMENT

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with