^

PSN Showbiz

Maraming artista sinamantala ang Semana Santa!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Karamihan sa mga bakasyonista including showbiz personalities ay sa araw na ito ng Easter Sunday magsisibalikan ng Maynila dahil may pasok na bukas.

Maraming celebrities ang dito lamang sa Pilipinas nagpalipas ng Mahal na Araw pero ginalugad nila ang magagandang beaches ng ating bansa. Pero karamihan sa kanila ay sa iba’t ibang bansa pumunta tulad ng Europe, Amerika, Australia at iba’t ibang lugar sa Asya tulad ng Japan, Hong Kong, Bangkok, Korea, Singapore at iba pa.

Ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ay sa Florence, Italy nag-spend ng Holy Week. Nasa Paris naman ang magkasintahang Pancho Magno at Max Collins. Sa ilang bahagi naman ng Europe nagtungo si Joey de Leon and his family, ganoon din ang isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga na si Allan K.

Ang ilan pang mga artistang sa ibang bansa nagpalipas ng Holy Week ay ang mag-asawang Alfred and Kring-Kring Romualdez kasama ang mga anak na sina Sofia at Diana, ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola, Carla Abellana and her family, Gabby Eigenmann and his family, Diana Zubiri-Smith and her husband na si Andrew Smith kasama ang mga anak na sina Joaquin at Aliyah Rose, ang mag-asawang Solenn Heussaff and Nico Bolzico, ang magkasintahang Eugene Domingo at Danilo Bottoni, Matteo Guidicelli and family, ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro, ang mag-asawang Bibeth Orteza at Carlos Siguion-Reyna kasama ang mga anak na sina Rafa at Sarah at iba pa.

Ang magkasintahang Megan Young at Mikael Daez ay sa Maldives naman nagbakasyon ganun din si Kris Aquino.

Kring-Kring na-high blood sa Japan!

Dahil siguro sa sobrang pagod at stress, pumalo sa mataas ang BP (blood pressure) ng Tacloban City mayor na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez habang ito’y nagbabakasyon sa Tokyo, Japan kasama ang kanyang pamilya kaya last Thursday ay nagdesisyon si Mayor Kring-Kring na magpahinga na lamang sa kanilang hotel room. Bumalik ang mag-anak nu’ng Biyernes Santo at balik-trabaho si Kring-Kring simula bukas.

Kring-Kring is a working mayor at marami siyang magagandang proyekto sa siyudad na sinimulan ng kanyang mister.

Samantala, parehong excited ang mag-asawang Alfred at Kring para sa kanilang panganay na si Sofia na pumasok na rin sa entertainment business.

Magiging busy si Sofia sa mga susunod na araw dahil ilu-launch na ng Viva Records ang kanyang debut single na pinamagatang Pikit-Mata na kinompos ng young composer na si Nica del Rosario.

Christian ayaw pang patali sa GF

On November 21, Christian Bautista and his girlfriend Kat Ramnani ay magsi-celebrate ng ikalawang anniver­sary bilang mag­ka­sintahan. Wala pa umano sa kanilang im­me­diate plans ang paglagay sa ta­­hi­mik dahil marami pa silang mga pla­no na gustong ma-achieve lalo na si Christian. Pero inamin ng tina­guriang Asia’s Romantic Balladeer na pumapasok na rin sa kanyang isipan ang pag-settle down now that he’s 35 at mati-thirty six na sa darating na October 19. Pero sa ngayon ay naka-focus pa rin ang kanyang attention sa kanyang singing and ac­ting career. Pinaghandaan ni Christian ang kanyang bagong album at bagong teleserye sa bakuran ng GMA. Malapit nang mapanood sa ere ang local TV remake ng hit Koreanovela na My Love from the Star kasama sina Jennylyn Mercado at baguhang si Gil Cuerva.

 

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with