^

Bansa

2 holdaper sa Taguig City kalaboso!

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kalaboso ang dalawang holdaper matapos nilang holdapin ang isang Indian national, dakong alas-10:20 ng umaga kamakalawa sa Taguig City.

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police detention cell ang mga suspect na sina Leoppel De Dios, 22 at Glenn Resado, 35, kapwa   taga  Brgy. Tanyag ng naturang siyudad.

Ang biktima naman ay nakilalang si Amavir Singh Brar, 39, residente ng #26 Dreamland, Brgy. Signal ng naturang lungsod.

Nakasakay ang biktima ng kanyang minamanehong motorsiklo nang bigla umanong sumulpot ang mga suspect at tinutukan ang biktima ng patalim at isinagawa ang pang­hoholdap.

Nakuha sa biktima ang halagang P11,000 matapos na tumakas ang mga suspek.

Nadakip ang mga suspek pagkaraang tugisin ang mga ito ng mga awtoridad.

Ang mga suspect ay sinampahan ng kasong Robbery-Hold-up at Illegal Possession of Deadly Weapon sa Taguig City Prosecutor’s Office.

 

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with