^

Pang Movies

Kilig series nina Alden at Maine hahatulan na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

The wait is over na, sabi nga, dahil mamayang gabi na mapapanood ang pilot episode ng first teleserye ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours. 

Naging inseparable sila mula nang magkita at nagkakilala sila, isang napakagandang bond at tiwala ang nabuo sa pagitan ng dalawa. At hindi rin nawala ang sweetness nila sa isa’t isa on and off camera.

Nakita ng libu-libong fans na duma-lo sa Sunshine Park sa Baguio City na pinagdausan ng taunang Panagbenga Festival kahapon ang sweetnes ng dala-wa. Kung 10:00 a.m. pa ang schedule ng parade, as early as 8:00 a.m. ay sakay na ng float sina Alden at Maine ng float. 

May time pa ngang bumababa sila ng float pero hindi sila makapagtagal dahil mahigpit ang security kaya pinabalik sila agad. 

Live naman sa Studio 7 ng GMA Network ang Sunday PinaSaya at live na nag-host sina Alden at Maine mula sa Baguio City.  Ka-join din sila sa segments ng Sunday musical variety show. 

Live rin ang Starbuzz segment nina AiAi delas Alas at Wally Bayola mula sa studio, habang in-interview naman ni Barbie Forteza sina Alden at Maine sa Sunshine Park.

Nag-duet sina Maine at Alden ng theme song ng Destined To Be Yours na Tadhana na may konting dance steps.

Labis ang pasasalamat nila sa mga taong umakyat ng Baguio City para lamang masaksihan ang taunang Panagbenga Festival, na talagang dinarayo ng mga turista at mga karatig bayan ng Mountain Province.

First time ito ni Maine na makasali sa Panagbenga Festival. Si Alden, una siyang nakasali sa naturang festival noong 2014, na sumakay sila sa float ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa hu-ling drama series na ginawa nila together, ang Carmela.

At ngayon, nagbahagi sina Alden at Maine ng pasasalamat sa fans.          

“Sobrang happy ako with the team and with the actors na nakakasama po namin dahil ramdam ko po iyong passion nila to make our soap work and to make the script very effective sa audience at sa actors as well.

“Ginawa namin ang soap na ito para sa aming mga fans. Ang talagang mahalaga sa amin ni Alden ay magustuhan nila ang aming soap.  Sana ay matuwa sila at maging proud sila sa akin, sa amin.”

At tulad nga ng sabi nina Alden at Maine sa Baguio, “ito na po ang handog namin sa inyo na matagal ninyong hinintay, almost two years, ang Destined To Be Yours. Sabay-sabay nating panooring mamayang gabi, pagkatapos ng Encantadia sa world premiere nito.”

 

 

 

 

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with