^

Metro

4 minasaker sa Pasig

ARANGKADA - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang pinasok sa loob ng isang compound saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ng anim na hindi pa nakikilalang mga suspek sa Pasig City, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga bikti­ma na sina Rex Sta Ana, ang live-in partner nitong si Estrella Montefalcon, at ang dalawa pang lalaki na sina Jeffrey Cartas, at Rene Balaquiao, pawang naninirahan sa Bedana Compound, Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Nabatid na ang pagmasaker sa apat ay naganap dakong ala-1:45 ng hapon sa loob ng compound ng mga biktima.

Ayon sa report, nagpapahangin sa labas ng compound ang mag-live in nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin ang mga ito.

Nasa loob naman ng bahay si Cartas at Balaquiao na tinamaan din ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­ni­lang katawan.

Naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima ng kanilang mga nagmalasa-   kit na kapit-bahay pero nalagutan din ng hininga.

Sinasabing ang mag-live ay sumuko na sa ‘‘Oplan Tok­hang’’ ng pulisya kamakailan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Pasig police upang mabatid ang motibo ng krimen at matukoy ang mga tumakas na salarin.

vuukle comment

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with