^

Police Metro

25 pang mga armas ng Sayyaf nasamsam sa Sulu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umiskor ang tropa ng militar  matapos na dalawampu’t lima (25) pang matataas na kalibre ng mga armas ang nasamsam ng tropa ng militar sa pagpapatuloy ng opensiba laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Sa report ni Major Gen. Carlito Galvez Jr., Commander ng AFP-Western Mindanao Command,  dahil dito ay umaabot na sa kabuuang 61 malalakas na uri ng armas ang nakumpiska ng militar umpisa pa noong Marso 29 hanggang kamakalawa.

Una nang naglunsad ng serye ng ‘focused military operations ‘ ang Joint Task Force (JTF) Sulu sa pamumuno ni Col. Cirilito Sobejana laban sa grupo ni Saudi Hamja, isa sa grupo ng notoryus na Abu Sayyaf Group (ASG)  sa Brgy. Capual, Omar, Sulu noong nakalipas  na Marso 29.

Ang naunang o­perasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 36 matataas na kalibre ng armas, napaslang ang isang bandido habang pito naman sa mga kasamahan nito ang nasakote.

 Ayon sa opisyal, kamakalawa bandang alas-2 ng hapon ay nakasagupa muli ng Army’s 4th Scout Ranger Company sa pamumuno ni Captain Rusell Bawat  ng Task Group Panther, ang blocking force ang tinatayang 15 armadong bandido na nagresulta sa 20 minutong palitan ng putok.

Sa nasabing operas­yon, ay inabandona ng mga bandido ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang M16 rifle, tatlong M14, dalawang M1 garand, isang M203 grenade launcher, limang bala ng M14, 50 rounds ng bala ng cal. 30, anim na rounds ng bala ng 40 MM , 100 rounds ng .62 cartridge at iba pa na narekober sa clearing operations sa encounter site.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with