^

Pang Movies

MMDA boss umamin kita ng 2016 MMFF, hindi napantayan ang kita nina Vic at Vice

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Umamin na si MMDA Chairman Tim Orbos na talagang walang binatbat ang kinita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong ito kung ikukumpara sa mga nakaraan, pero happy na rin daw sila sa kinalabasan ng 2016 MMFF.

Doon naman sa pinalabas na gross reports ng isang kumpanya ng pelikula, lumalabas na ang kabuuang kita ng buong festival ay hindi umabot sa gross ni Vice Ganda o maski kay Vic Sotto.

Benjamin at Julie Anne tuloy ang pambibitin 

Bakit nga ba ayaw pang aminin nang diretsahan nina Benjamin Alvez at Julie Anne San Jose na mayroon silang relasyon?

Noong grand press conference ng kanilang bagong seryeng Pinulot Ka Lang sa Lupa, ilang ulit silang natanong, at pareho silang tila umiiwas pang aminin ang kanilang relasyon, bagama’t marami na nga ang nakakaalam noon. May nagsabi pang apat na buwan na silang mag-on. Ang hinihintay lang naman ng mga tao ay sa kanila manggaling mismo ang announcement.

Ewan din naman kung bakit nauso riyan sa mga artista na itago pa ang tunay nilang mga relasyon, tapos lalabas din naman kung hindi na sila magkasundo o hiwalay na, o kaya aaminin na nila kung hindi na iyon relevant sa sitwasyon.

Kung inamin na nila iyon nang diretsahan, tiyak na makakatulong pa iyon sa Pinulot Ka Lang sa Lupa, dahil babantayan ng mga tao sa serye kung makikita nga ang kanilang relasyon.

Isa pa, alam naman ninyo ang mga Pinoy, mahilig manood ng mga love story basta alam nila na totoong mag-syota ang magka-loveteam. Feeling nila kasi hindi sila binobola lamang.

In a way inamin naman ni Benjamin, sa pagsasabing malaki ang kaibahan ng tambalan nila ni Julie Anne kasi nga bago pa man dumating sa kanila ang proyekto ay magkaibigan na sila, nagkakausap na sila at may mga plano na sila kung sakali at dumating nga ang pagkakataon na pagtambalin sila sa isang project.

Pero bakit nga ba nagpapaduda pa siya at hindi pa diniretso na totoong magkarelasyon na sila?

Minsan hindi mo rin malaman kung ano ang logic sa ginagawa nilang pagkakaila sa totoo, samantalang ang mas gusto nga ng fans ay magkatuluyan ang kanilang sinusundang magka-love team.

Pinag-ugatan ng emote ni Ara palaisipan 

Usap-usapan din noong gabing iyon ang sinabi ni Ara Mina tungkol sa respeto ng staff sa kanyang pagiging aktres kaya gusto niyang iwanan ang Pinulot Ka Lang sa Lupa, na later on naman ay binawi niya.

May narinig kaming dalawang versions. Iyong isa, sinasabing nagalit daw si Ara dahil wala man lang siya sa giant billboard na unang inilabas ng GMA 7. Iyong ikalawa, sinasabi ay nagpapaalam siya na gusto nilang tumanggap ng ibang trabaho habang hindi pa naman masyadong kailangan mag-taping.

Pero ang naging opisyal na statement ng GMA 7 ay “pinag-uusapan pa ang naging problema at nagkakasundo naman lahat kaya wala nang problema”.

Kami, iba ang palagay namin sa sitwasyong iyan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with