^

Pang Movies

Julie Anne at Benjamin di madiretso ang relasyon

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Mahiyain pa rin si Julie Anne San Jose sa usapin tungkol sa kanyang lovelife. Kapareha niya ang rumored boyfriend na si Benjamin Alves sa coming GMA afternoon prime na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sobrang inspired siya’t si Ben ang kapareha niya. Sa social media account nila nailalabas ang tamis ng pagmamahalan, huh! Kaya nga sa teaser, meron na silang kissing scene, huh!

“Oo nagiging inspirasyon si Ben sa akin dito. Alam naman po natin na ang galing nila. Siyempre po, nai-inspire niya ako to do good sa acting. We help each other grow,” rason ni Julie Anne sa grand presscon ng series.

May relasyon na ba sila? Si Ben ang unang sumagot, “Ano po ang question? Ha! Ha! Ha!

“I think what Julie and I have, nagiging deeper siya kasi we’re practically we see each other everyday. Magkasama kami sa Sinulog (festival) noong weekend. Ngayon po, magsisimula na ang tuluy-tuloy na taping at promotions.

“‘Yun we appreciate each other po. Kung ano po ‘yung pinu-post ko on line, hindi naman po kami nagtatago. What you see is what you get. Happy po kami na magsisimula kami ng bagong soap. Maganda ang pasok ng 2017 sa aming lahat. Nakaka-inspire rin na makasama si Julie sa soap!”

“Kailangan po ba ng reaction ko?” tanong ng Asia’s Pop Sweetheart.

“Honestly po, masayang kasama si Ben. Masaya po ako na kasama ko siya sa trabaho. We’re very excited na maipalabas na ito sa January 30,” iwas na sagot ni Julie Anne.

Anyway, kasama nina Julie Anne at Benjamin sina LJ Reyes, Jean Garcia, Allan Paule,Victor Neri, Geleen Eugenio at iba pa sa Kapuso soap habang si Gina Alajar naman ang director.

Edu magagamit na naman ang poker face 

Hindi nganga si Edu Manzano after ng drama series na Someone To Watch Over Me. But this time, ilalabas naman ni Doods ang pagiging komikero niya sa pagbabalik sa TV ng game show na Celebrity Bluff (CB) na si Eugene Domingo pa rin ang host.

This time, lalabas na Master Bluffer si Edu sa CB. Mailalabas na namang muli ng aktor ang pagiging witty and the same time, ang kanyang poker face kung saan siya magaling. Bukod sa game show, ang bagong shows ng GMA na aabangan sa susunod na buwan ay ang Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza na first TV directorial ni Irene Villamor.

Sunod ang My Love From The Star nina Jennylyn Mercado at ang latest Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva. 

Of course, lilipad muli ang mga taong ibon sa Mulawin vs Ravena. Kaabang-abang si Regine Velasquez-Alcasid sa magiging role nito. Bukod sa kanya, featured din ang loveteams nina Miguel Tanfelix-Bianca Umali at Derrick Monasterio-Bea Binene.

Meron pang weekly comedy musical show si Songbird na Full House Tonight sa February 18. 

Waiting na rin si Janine Gutierrez sa pagsisimula ng series niyang Legally Blind at si Mikael Daez ang kapareha niya.

Iri-remake naman ni Kris Bernal ang Impostora habang si Dingdong Dantes ay merong docu-drama na waiting, ang Case Closed.

vuukle comment

JULIE ANNE AT BENJAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with