^

Para Malibang

House of Death (151)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI naman iyon narinig ng pinapasanan ni Benilda dahil wala itong third eye.

Pero nakikita ng presong meron. Naririnig pa nga.

“May sinabi siya sa iyo, Candida!”

“Ano na namang kagaguhan? Nabali na likod ko, nakukuha mo pang magkuwento ng panloloko?”

“Totoo sabi ito, e. Sinabi niya na kapag hindi na nagising si Anna ay may masamang mangyayari sa iyo.”

Nataranta ang presong nanakit. Kahit ayaw maniwala, hindi maaring bale-walain ang sinabi ng kasamang preso.

Dahil kung hindi totoong may nakapasan sa kanya, bakit napakabigat at nabali ang kanyang buto?

At patindi nang patindi ang sakit.

Napasigaw na si Candida. “AAAAAHHHHH! Tulungan ninyo ako! Dalhin ninyo ako sa doktor!”

Dumating naman ang pulis na may kasamang dalawang nagdala ng stretcher.

“Ito munang sinaktan mo ang uunahin. Hanggang ngayon wala pang malay. Madodoble ang tagal mo sa kulungan kapag may nangyaring masama kay Anna.”

“Baliw ‘yan kaya ko hinataw! Gusto kong tumigil siya sa mga pinagsasabi niya kasi pati ako parang nahahawa rin ng kabaliwan niya! Kasalanan ko ba kung hindi siya magigi­sing sa pokpok ko? Kahoy lang naman ito!”

Walang nakinig kay Candida. Si Anna ang inilagay sa stretcher.

Si Benilda ay nawindang. “Paano naman ako? Hindi ba kayo nag-aalala sa isang nabalian ng likod? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi ko maituwid ang likod ko?”

“Babalikan ka namin, huwag kang mag-alala. Maghintay ka lang. Magtiis.” Sigaw ng pulis kay Candida bago umalis.

Nananatili si Benilda sa likod ni Candida.

SA mansiyon naman, inilalabas na ang nasaktang pari. Si Mario ang umaalalay sa kanya.

Pero galit ang matagal ng naninirahan doon na mga multong maiitim. Dahil isang napakalinis na pari ang nakatalo sa kapwa nila multo na mapaghiganti, nasa puwersa ng kasamaan.

Kinabahan si Mario nang makita ang mga maiitim na multo. Palapit sa kanila. Nakaharang sa pintuan.   - ITUTULOY

 

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with