^

PM Sports

Lady Blazers target ang solo liderato

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng defending champion College St. Benilde Lady Blazers ang solo liderato sa kanilang pagharap sa Mapua Intitute of Technology Lady Cardinals ngayon sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament na gaganapin sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Ang Lady Blazers ay tumuntong sa four-way tie sa liderato matapos ang  kanilang dalawang sunod na panalo-- ang una ay sa Perpetual Help Lady Altas, 17-25, 25-20, 26-24, 25-17 noong Lunes at ikalawa ay sa Letran, 25-27, 23-25, 25-22, 25-7, 15-12.

Kasama ng Lady Blazers ang runner-up noong nakaraang taon na San Sebastian Lady Stags, San Beda College Lioness at Lyceum of the Philippines Lady Pirates sa liderato sa parehong 2-0 win-loss slate.

Sina Jeanette Panaga, ang reigning Finals MVP at Ranya Musa ang nangu-nguna para sa Lady Blazers sa kanilang tig-17 puntos na average bawat laro.

Maghaharap ang Lady Blazers at Lady Cardinals sa alauna ng hapon habang ang Arellano Lady Chiefs at Emilio Aguinaldo College ang magtatagpo alas-11:30 ng umaga.

“If we can play aggressive from start to finish, not just in the latter part of the game, we’ll be okay,” sabi ni St. Benilde coach Macky Cariño.

Sa men’s division, hangad ng Mapua ang top spot sa pakikipagsagupa kontra sa CSB Blazers sa alas-2:30 ng hapon habang maghaharap  ang  Arellano Chiefs at  Emilio Aguinaldo College Generals sa  alas-10 ng umaga.

Sa juniors division, maglalaban ang Arellano Baby Chiefs at EAC Brigadiers sa alas-8:30 ng umaga.

Nakisosyo ang Mapua Cardinals sa liderato ng men’s division kasama ang San Beda Red Lions sa parehong 2-0 card matapos sa kanilang 25-22, 25-15, 25-20 panalo laban sa Jose Rizal Lady Bombers noong Miyerkules at sa San Sebastian Stags, 25-19, 23-25, 25-22, 25-21 noong Linggo.

vuukle comment

LADY BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with