^

Metro

La Salle coed hulog mula 20th floor, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
La Salle coed hulog mula 20th floor, lasog
Kinilala ang nasawi na si Erika Dimaano, Psychology student at residente ng Brgy. San Carlos, Lipa City, Batangas. File photo

MANILA, Philippines – Basag ang bungo at putol ang braso ng isang 19-an-yos na estudyante ng De la Salle University nang mahulog o ‘nagpatihulog’ mula sa ika-20 palapag ng gusali ng naturang unibersidad sa Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Erika Dimaano, Psycho-logy student at residente ng Brgy.  San Carlos, Lipa City, Batangas.

Sa ulat nina SPO3 Jonathan Bautista at  PO2 Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, lumilitaw na ang bangkay ni Dimaano ay nadiskub­re dakong alas-5:20 ng hapon sa fire exit stairway sa ground floor ng Brother Andrew Gonzalez Buil-ding sa DLSU-Manila, na matatagpuan sa Taft Ave­nue sa Malate.

Unang narinig ang ma-lakas na kalabog, na kaha­lintulad ng isang bagay na tumama sa bakal, sina Warrant Justin Ng at Security Guard na si Alex Marcelo sa natu-rang lugar kaya’t inalam  kung ano ito hanggang nadiskubre ang walang buhay na biktima sa hagdan ng fire exit, na nasa ika-3 palapag.
Posibleng nagmula umano sa ika-20-palapag ng natu-rang gusali ang biktima na may dala pang backpack at iba pang mga gamit.
Hinala naman ng pulisya na aksidente ang nangyari ngunit iniimbestigahan pa rin nila kung posibleng nag-suicide ito matapos na makadiskubre ng mga maliliit na papel na may mga nakasulat na quotes at mga tula, na may kinalaman hinggil sa buhay at kamatayan.

Humingi na rin umano ang mga pulis ng kopya ng mga closed circuit television  footage ng unibersidad upang makita kung paano naganap ang insidente. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Nabatid na consistent scholar mula sa elementarya ang nasabing biktima.

vuukle comment

LA SALLE COED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with