^

PSN Showbiz

Piolo tinuturuang maging wais sa babae ang anak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo tinuturuang maging wais sa babae ang anak!
Piolo at Iñigo Pascual

Wala pang kasintahan hanggang ngayon si Piolo Pascual. Kung magkakaroon man ng bagong nobya ay gusto raw ng aktor na mahilig din ito sa iba’t ibang sports na katulad niya. “Ideally yeah, I remember before, kapag meron akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity. So we do things together,” bungad ni Piolo.

Naniniwala ang aktor na hindi na dapat hinahanap kung sino man ang kanyang magiging kasintahan o magiging asawa dahil darating din ito sa tamang panahon. “I’ve come to the point na I don’t look for it anymore. As much as I don’t have time for it. I just enjoy life and I still have so many things I want to do. So if it comes, it comes and I hope it comes soon,” nakangiting pahayag ng aktor.

Masaya naman daw si Piolo kahit ilang taon na siyang single. “Happy naman ako. Baka maunahan pa ako ng anak ko but grateful lang ako sa mga blessings na nangyayari sa buhay ko. And besides, I enjoy life. Gusto kong mag-travel, gusto kong marami pang gawin and just like what I said, when it comes, it comes,” giit pa ng aktor.

Karelasyon ngayon ng anak ni Piolo na si Iñigo ang Girltrends member na si Kelley Day. Madalas daw na pinapayuhan ni Piolo ang anak tungkol sa pag-ibig. “Hindi mo kailangan madaliin ang buhay. Just be practical and be wise with all your decisions. Kasi ang isang pagkakamali, pwedeng mag-lead sa pang-habangbuhay na pagsisisihan mo eh. So just be wise and learn from other people’s mistakes and always strive to be better,” pagbabahagi ni Piolo. 

Michael insecure sa mga R&B singer

Matagal-tagal na rin sa show business si Michael Pangilinan pero aminado ang singer na hanggang ngayon ay nai-insecure pa rin siya sa ibang lalaking singers na kanyang kasabayan. “Oo naman, nai-insecure pa rin ako. Lalo na ‘yung mga kasabayan ko sa genre ko, like Daryl Ong, Jay-R, Kris Lawrence, those R&B singers. So every time na naririnig ko sila, talagang alam mo ‘yon, dapat mas magaling ako diyan,” pagtatapat ni Michael.

“Walang masama sa pagiging competitive. Mas okay ‘yun dahil mas nalalaman mo kung kaya mo pa bang mai-enhance ‘yung kakayahan mo sa music,” dagdag pa ng singer.

Mas pinagbubuti na lamang daw ni Michael ang pagkanta upang makipagsabayan sa ibang singers. “Actually, para mangyari ‘yon, hard work din. Lagi akong nakikinig ng mga runs o kulot-kulot para masanay ako,” pagbabahagi niya.

Samantala, mayroong mga ginawang pagbabago sa lifestyle si Michael upang mas mapaghusayan pa ang kanyang trabaho at magkaroon ng maayos na kalusugan. “Actually, noong nagsimula ako sa Fitness World, doon ako nagbago talaga. As in total change talaga, dahil no’ng nag-gym ako, do’n nag-start tanggalin ko ‘yung sigarilyo, alak, ‘yung puyat, ‘yung labas, kumain ng hindi magagandang pagkain, fatty foods. Actually, more on healthy food ako ngayon. Medyo strict ako sa pagkain. May sarili akong food, mas may disiplina rin siguro ako ngayon dahil sa gym,” kwento ni Michael.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with