^

PSN Palaro

Fighting Maroons sinolo liderato

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Fighting Maroons sinolo liderato
Kinapitan ng Fighting Maroons ang mainit na laro ni Veejay Pre upang tulu­ngan ang koponan na ilista ang 6-2 karta at upuan ang tuktok ng team standings.
UAAP image

MANILA, Philippines — Dalawang extra period ang kinailangan ng University of the Philippines upang kaldagin ang University of Sto. Tomas, 103-101 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Kinapitan ng Fighting Maroons ang mainit na laro ni Veejay Pre upang tulu­ngan ang koponan na ilista ang 6-2 karta at upuan ang tuktok ng team standings.

Walang nag-iwanan sa unang dalawang periods, hinawakan muna ng Figh­ting Maroons ang dalawang puntos na bentahe, 26-24 sa first canto, inagaw naman ng Growling Tigers ang abante sa second quarter, 47-49 sa halftime.

Nagparamdam ng ba­ngis ang UST sa third canto kung saan ay lomobo ang kanilang bentahe sa 12, 65-53 matapos isalpak ni Mark Llemit ang tres may 4:06 minuto pa sa orasan.

Bahagyang natapya­san ng Fighting Maroons sa pitong puntos ang hinahabol , 65-72, papasok ng fourth quarter at nagpatuloy ang mahigpitan na labanan kaya naman nauwi ang laro sa overtime game.

Parehong naging ma­tatag ang UST at UP ayaw magpaiwan na naging dahilan upang maka-puwersa ang dalawang koponan ng panibagong limang minuto laro.

Sumingasing ang Figh­ting Maroons sa pa­ngalawang extension kaya naman nasikwat nila ang importanteng panalo.

Sa unang laro, hindi naging madali ang panalo ng defending champion De La Salle University dahil humugot pa sila ng lakas sa extra period para buwagin ang makukulit na University of the East, 97-88.

Natakasan ng Green Archers ang mabalasik na laro ng Red Warriors upang kalsuhan ang kanilang two-game lossing streak at ilista ang 4-4 karta.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with