^

Pang Movies

Barbie, trentahin na ang pakiramdam!

Pang-masa
Barbie, trentahin na ang pakiramdam!

MANILA, Philippines — Mas pinili ni Barbie Forteza na ipagdiwang ang kanyang 29th birthday sa pamamagitan ng isang charity event para sa mga napabayaan at naabusong kabataan sa isang tahanan sa Antipolo City.

Nag-share naman ng bagong set of photos si Barbie sa social media. Pinost ni Kapuso Primetime Princess sa Instagram ang mga kuha niya habang sine-celebrate ang espesyal na araw, suot ang isang elevated casual outfit habang may hawak na baso ng wine.

Nakita si Barbie sa mga larawan na naka-silk halter backless top at dark brown trousers, na kinumpleto niya with low stiletto heels at handbag. “29 yung edad na pakiramdam mo trenta ka na pero twenties ka pa rin naman. Isa lang ang sure ako…. masakit na likod ko,” caption ni Barbie.

Ex-aktres Alicia Mayer, may inamin sa naging relasyon nila ni Edu

Nilinaw ng dating aktres na si Alicia Mayer ang matagal nang kumakalat na balita tungkol sa umano’y anak nila ng dating karelasyon na si Joey Marquez sa The Snooky Serna Channel.

Binuksan din ni Alicia ang tungkol sa naging relasyon nila noon ni Edu Manzano.

Si Edu raw ay very pleasing, maaruga at maalaga. “I would say na parang mabilisan ‘yung ano namin, ‘yung decision. And then we just have to stop talking to each other. And then, I think kapag nag-uusap pa kami lalong gumugulo, so both of us decided just to completely stop the connection,” sey niya.

Pagdating naman kay Joey, sinabi niya na mabait at caring ito.

Nilinaw rin niya ang isang lumang interview kay Joey kung saan tinanong ang aktor kung may anak ba sila? Ayon kay Alicia, hindi direktang sinagot iyon ni Joey noon. “I just wanna say no. Wala. Ako na magsasagot para sa kanya kasi hindi niya sinagot,” diin pa ni Alicia.

Tatlo ang anak ni Alicia at naka-post sa kanyang IG account ang activities at travels nila.

Sumikat siya noong 2002 noong mapasama ito bilang isa sa hosts ng Eat Bulaga. Naging People for the Ethical Treatment of Animals o PETA spokesperson ito at gumawa ng maraming pelikula at TV shows. Huli siyang napanood sa GMA teleserye na Genesis noong 2013.

George at Amal Clooney, natakot sa South of France wildfire

Napagpasyahan nina George at Amal Clooney na pansamantalang lisanin ang kanilang tirahan sa Brignoles, South of France, kasunod ng nagaganap na wildfire doon.

Sa kanilang liham kay Mayor Didier Brémond, binahagi nila ang kanilang pangamba para sa kanilang tahanan at tiniyak ang kanilang pagtulong sa rehabilitasyon ng komunidad. “We do not know whether our beautiful home will survive this terrible ordeal. As we evacuate Brignoles, we want to emphasize two things: We hope that you and the residents are safe. Amal and I are determined to ensure that, whatever happens to our village, we remain fully part of this community and contribute to its rebuilding. We love Brignoles and the friends we have there,” sey ni George na noong 2021 nabili at lumipat sa naturang bahay.

Ang naturang wildfire ay sumira sa higit na 320 acres near Brignoles. Six hundred residents ang balitang nakalikas na.

BARBIE FORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with