^

PSN Opinyon

Eleazar, sinusuportahan ng Conservatives in the Philippines!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Samu’t Saring grupo ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kandidatura ni Senatorial aspirang ex-PNP chief Guillermo Eleazar kaya lumalakas din ang tsansa niyang mapabilang sa Top 12 sa darating na May 9 elections. Malaking pasalamat ni Eleazar sa Conservative in the Philippines o Kanan PH sa pagpili sa kanya at anim pang kandidato na susuportahan nila dahil naaayon ang kani-kanilang plataporma sa isinusulong ng grupo na polisiya at katangiang kawangis ng sa lapian.

Itong Conservatives in the Philippines o Kanan PH mga kosa ay isang lapian ng mga Pilipinong sumusuporta sa pag­papanatili’t pagpapatibay ng buhay mag-asawa, pa­milya, paniniwalang espiritwal, free market, at kalayaan. “Malaking bagay para sa akin na malamang ang isang organisasyon na katulad n’yo ay naniniwala na kaya kong dalhin sa Senado ang araw-araw na laban ng ating mga kababayan para sila ay mapakinggan at matulungan ng ating gobyerno,” ani Eleazar.

Dipugaaaaa! Hak hak hak! Parami nang parami ang magbibilog sa No. 23 sa balota sa darating na halalan, di ba mga kosa?

Kapag pinalad siyang makaupo sa Senado, sandigan ng mga programa ni Eleazar ang pagpapabuti sa seguridad at peace and order, na nakalista sa panawagan ng grupo, kasama ang reporma sa hudikatura at pulisya. Hangarin din ni Eleazar ang pagbibigay ng makabagong kagamitan sa PNP at pagsasanay para mapag-ibayo ang kakayanan ng mga ahensiyang pangseguridad, pagsu­sulong ng kasarinlan ng PNP Internal Affairs Service para mapalakas ang pag-usig sa mga abusadong pulis, at pag­bili ng body-worn cameras para sa transparency at accountability ang bawat operasyon.

Isinusulong din ni Eleazar ang pagbibigay ng life at health insurance sa mga security guard at barangay tanod, at paggamit ng QR Code sa recruitment at employment system ng mas marami pang ahensiyang pangseguridad para mabuwag ang “palakasan” at korapsyon.

“Ako ay nagpapasalamat sa Conservatives in the Phi­lippines (Kanan PH) sa kanilang pagsuporta sa aking kandidatura bilang senador,” tugon ni Eleazar. “Makaaasa kayo na kaisa n’yo ako sa mga adhikain na masiguro ang kapayapaan sa ating bansa sa pamamagitan ng pagre­porma sa ating kapulisan. Mas lalo pa natin itong ga­gawing disiplinado at karespe-respeto para sila ay mas gumaling pa sa pagtupad ng kanilang tungkulin,” ani Eleazar. “Sa aking paniniwala, ang kaayusan at kapayapaan ang pundasyon ng kaunlaran. Walang asensong makakamtan kapag nabubuhay sa takot ang mamamayan,” sabi pa niya.

Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-me­morize ‘yan? Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with