^

True Confessions

Suklam (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Napaatras ang panganay na anak sa hindi inaasahang nakita sa kuwarto na may kasamang ibang lalaki ang kanilang ina. Sa mura niyang isipan, alam niyang nagtatalik ang mga ito. Wala ang kanyang ama sapagkat nasa probinsiya. Linggu­han ang uwi dahil bus driver. Noon lamang niya nakita ang lalaki.

“Sinarili ng bata ang nakita sa kuwarto. May pag­dududa siya kung ibang lalaki nga ang nasa kuwarto. Baka naman nagkakamali la­mang siya at tatay pala niya ang ka­sama ng kanyang nanay sa kuwarto. Baka dumating kagabi ang kanyang tatay? Baka hindi niya nalaman dahil tulog na sila. Pero madalas, sa umaga dumarating­ ang kanyang tatay at hindi sa gabi. At lagi itong may dalang pasalubong sa kanila.

“Kinabukasan, nila­pitan niya ang kanyang ina habang nagluluto. Tinanong niya kung du­mating ang kanyang tatay, Nakataas agad ang boses ng kanyang ina.

“Hindi pa darating ‘yun! Bakit mo itinata­nong?’’ sabi nito.

“Wala po,’’ sagot niya sa ina at lumayo. Mainit ang ulo ng kanyang nanay.

Minsan, galing sila sa school ng kanyang kapatid. Dumating sila na tahimik na tahimik sa buong bahay. Ang kanyang kapatid ay ang paglalaro ang inatupag. Dahan-dahan siyang nag­tungo sa kuwarto ng ama at ina. Binuksan ang pinto.

Kitang-kita niya ang kanyang ina. Hubad ito at nakikipaghalikan sa la­laki. Hubad din ang lalaki.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with