Heto ang good news para sa mga biktima ng stroke mula sa PhilHealth. Itinaas ng ahensiya hanggang sa P80,000 ang benepisyo sa gamutan ng stroke.
Isa na naman itong welcome development sa layunin ng pamahalaan na mabigyan ng pinakamahusay na health care ang bawat Pinoy. Patuloy pang pinagbubuti ng ahensiya ang serbisyo nito alinsunod sa adhikain ng Universal Health Care Act ng 2019. Dito, mayaman man o mahirap ay sama-samang makikinabang sa pinalawak na social health insurance.
Ang stroke ay pumapangalawa sa seryosong karamdaman ng mga Pinoy, kasunod ng ischemic heart disease, na kung hindi man nakakabalda ay nakamamatay. Tinaasan ng PhilHealth ang benepisyo para sa ischemic stroke, mula sa P28,000, ngayon ay P76,000 na. Ang hemorrhagic stroke naman ay ginawang P80,000 mula sa dating P38,000.
Ayon sa PhilHealth, ang pagtataas sa benepisyo ng higit sa 100 porsiyento ay malaking tulong upang mabawasan ang alalahanin ng mga pasyenteng tatamaan ng sakit na ito.
Anang PhilHealth, ang acute stroke ay isa sa mga prayoridad na kondisyon sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga pasyente. Sakop ng pinalawak na benepisyo ang basic accommodation, medisina, professional fee sa mga dalubhasa, diagnostics procedures, at mga pagsusuri sa laboratoryo.
Paalala rin ng PhilHealth na siguruhing sa accredited na pasilidad lamang magpaospital, gayundin ang doktor, upang matiyak na magagamit ang benepisyo.
Samantala, hinihimok din ng PhilHealth ang mga pasilidad na may kakayahang magbigay ng mga serbisyo para sa Outpatient Mental Health Package na magpa-accredit sa PhilHealth upang matugunan ang pangangailangan ng Pilipino para sa mental health.
Benepisyo ng PhilHealth sa na-stroke itinaas!