Dioscora (250)

NAGTATAKA si JC sa sarili. Parang may su­masanib sa kanyang ibang pagkatao dahilan para gantihan niya ang gina­gawa ni Mam Dioscora sa kanya. Parang hindi niya kayang pigilan ang sarili na makipaglaban sa ginagawa sa kanya ni Mam. Ano itong hiwaga na nangyayari sa kanya at gusto na niyang angkinin si Mam?

Patuloy si Mam sa paghalik kay JC at lalo pang naging malikot ang dila. Mas kakaiba ang likot na para bang may hinahalukay sa kaibuturan ni JC. Nagbabaga ang dila ni Mam na naghahatid nang matinding kuryente sa katawan ni JC. Sobrang bangis ni Mam ngayon. Hindi naman ito lasing dahil nawala na ang espiritu ng alak na ininom. Ano itong nangyayari at may kakaibang sumasanib sa kanya?

“Mahal mo ba talaga ako JC?’’ tanong ni Mam makaraang tapusin ang pag­lalaro ng dila sa bibig ni JC.

“Oo.’’

“Hindi ka nabibigla lang?’’

“Hindi.’’

Sa sinabing iyon ni JC, lalo pang naging mabangis si Mam. Muling itinuloy ang paghalik sa hubad na dibdib ni JC. Pababa nang pababa ang ginagawang paghalik. Sa ginagawang iyon, lalong may hinahalukay sa kaibuturan ni JC. Napapikit siya.

Hanggang sa tumigil si Mam. Naramdaman ni JC na inaalis ni Mam ang belt niya. Sunod ay ang hook ng pants. Hinayaan ni JC. Hindi siya nagmumulat. Hanggang maramdaman niyang nahubo na ang pants. Natira ang huli niyang saplot.

Maya-maya pa, inalis na rin iyon ni Mam.

Ang kasunod ay ang pag­luhod ni Mam na animo’y sumasamba sa isang pangi­noon. At saka nagmistulang sanggol na uhaw na uhaw. Walang makapigil sa pagkauhaw. Nakapikit si JC. Pero kahit nakapikit naiimadyin niya ang gina­gawa ni Mam.

Hanggang sa maramdaman ni JC na makapangyarihan ang sumasa­nib sa kanya at nag-uutos na angkinin si Mam. Hindi kaya ni JC na tanggihan ang sumasanib. Naisip ni JC, posible kayang si Nico­demus ang sumasanib sa kanya?

Nagsanib ang katawan nila ni Mam at makaraan ang sandaling ritwal, naga­nap ang inaasam nilang dalawa. Ramdam ni JC na napunan ang kauhawan ni Mam.

KINABUKASAN, na­gu­lat si JC nang makitang wala si Mam. Nasaan na si Mam?

Itutuloy

Show comments