(Ang babaing hindi niya malilimutan)
“Sabihin mo sa akin JC kung ano ang iniuutos ni Simon Pedro na gagawin mo sa akin. Hindi ako magagalit. Di ba sinabi ko naman sa’yo na hindi na ako gaganti, alang-alang sa’yo. Ayaw kong masangkot ka,’’ sabi ni Mam Dioscora at isiniksik ang ulo sa balikat ni JC.
“Paibigin daw kita. ‘Yan ang utos sa akin ni SP.’’
“At pagkatapos mo akong paibigin ano ang susunod na hakbang?’’
“Iwanan na raw kita kapag nasira na.’’
“Ano ang pinangako sa’yo pagkatapos mong magawa ang iniuutos niya?”
“Wala namang sinabi. Pero bago niya iyon, tiniyak niyang ako ang magiging CEO ng kompanya.’’
Isiniksik lalo ni Mam ang ulo sa balikat ni JC. Matagal bago nagsalita.
“Hindi mo na ako kailangang paibigin pa dahil mahal naman talaga kita. Kapag nag-report ka kay Simon Pedro, sabihin mo, nagawa mo na ang utos niya. Nagtagumpay ka na.’’ (Itutuloy)