“HAYOK na hayok si Simon Pedro sa katawan ko. Ang isang taon na pagkakawala naming sa bahay na iyon ay sinulit niya. Halos araw-araw akong ginagamit. At gusto ko mang magsumbong, natatakot ako. Wala akong lakas. Hawak ako ng hayok na si Simon Pedro. Ganun pa rin ang pananakot niya, papatayin ako. Kapag pumapasok siya sa banyo, dala niya ang baril. Kaya wala akong magawa. Nanginginig ako sa takot.
“Hanggang sa dumating ang pagkakataon na pinagbabawalan na niya akong lumabas sa bahay. Siguro ay para na rin hindi ako makapagsumbong kahit kanino. Pinababantayan ako sa kanyang mga tauhan.
“Kaya ang sinasabi niya na pinababayaan ko ang anak namin ni Nico ay isang malaking kasinungalingan. Paano ko mapapabayaan ang aking anak gayung lagi ako sa bahay—hindi makalabas dahil sa utos niya.
“Kung minsan, naiisip kong tapusin na lamang ang buhay ko para mawakasan na lahat. Pero paano ang anak ko at paano si Nico na may iniindang sakit. Malaki na ang inihulog ng katawan ni Nico dahil sa stage 4 cancer.
“Sa dakong huli, iwinaksi ko ang balak. Hindi iyon ang solusyon. Kailangang mabuhay ako para sa aking anak.
“Hangggang sa dumating ang oras ni Nico. Iniwan na ako ng asawa ko. Nawalan na ako ng kakampi. Iyak ako nang iyak. Sa sulok ng mga mata ko, nakatingin si Simon Pedro…’’
Itutuloy