^

True Confessions

Ahas sa Garden (220)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTUNGO sa banko na nasa ground floor ng condo sina Sir Nath at Brenda. Habang nakikipagtransaksiyon si Sir Nath sa teller ay hindi mapakali si Brenda sa pagkakaupo. Baka mahalata ni Sir Nath na malaki na ang na-withdraw niya sa joint account nila. Nag-iisip siya ng paraan kung paano malu­lusutan ang problema in case na mahalata iyon ni Sir Nath. Hindi niya aaminin sakali at magkabukingan. Hindi siya magpapahalata.

Pero walang nahalata si Sir Nath. Dahil siguro sa dami ng pera, hindi nito na­laman na malaki na ang na­bawas ni Brenda.

Natapos ang pakikipagtransaksiyon at lumabas na sila sa banko. Nakalagay sa bag na itim ang milyong piso na na-withdraw. Si Brenda ang may dala ng bag. Nakangiti si Brenda sapagkat walang nahalata si Sir Nath.

“Sa isang araw mag-withdraw uli tayo. Gusto ko maraming cash na nakais­tak para laro lang tayo nang laro.’’

“E saan natin ilalagay ang mga iwi-withdraw, Babe?”

“Itago mo sa ilalim ng kama natin, Babe.”

Napangiti nang lihim si Brenda. Parang kumakasi sa kanya ang panahon. Hindi na siya mahihirapang mag-withdraw sapagkat sa perang ‘yun na lang siya unti-unting kukuha. Ha-ha-ha!

“Sa palagay mo, maka­ka­bawi na tayo mamaya, Babe?” tanong ni Sir Nath.

“Oo. Palagay ko susuwer­tihin tayo ngayon, Babe. Ka­­gabi nanaginip ako na naka­tapak daw ako ng ebs.’’
Nagtawa si Sir Nath.

“Ano namang kaugnayan ng ebs sa suwerte natin sa casino?’’

“Di ba suwerte raw kapag nakapanaginip ng ebs. Pera raw ang kahulugan ng ebs. Di ba kulay gold ang ebs.”

Napahagalpak si Sir Nath.

“Huwag kang maniwala sa ganyan. Kalokohan lang yan.’’

“Aba sige ka, pagnanalo ako mamaya, huwag kang hihingi ng balato. Palagay ko susuwertihin ako. Nanga­ngati nga ang kamay ko.’’

“Sige tingnan natin kung totoo ang napanaginipan mo.’’

“Basta huwag kang hihingi ng balato.’’

“Sige hindi ako hihingi.’’

“Kapag nanalo ako ma­maya sa casino, maiinggit ka ha-ha-ha!’’

“Mananalo rin ako Babe.’’

Nagtawa lang si Brenda.

“Magbihis ka na para makaalis na tayo. Itago mo lang mabuti ang pera sa ilalim ng kama. Magbaon lang tayo ng P2-M ngayon.”

“Oo Babe,” sabing nakangiti ni Brenda.

Hindi lang P2-M ang kukunin niya, ha-ha-ha!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with