^

True Confessions

Ahas sa Garden (218)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MABIBIGYAN natin ng trabaho ang mga kabarangay natin, Tatay kapag dumami pa ang mga magpapasuplay sa atin ng gulay at prutas,” sabi ni Alexis habang nasa salas sila ng bago nilang bahay na katas ng gu­layan nila.

“Oo nga. Kapag nagkataon, wala nang magdodroga sa barangay dahil mayroon nang mga trabaho. Kulang kasi ang trabaho kaya may nasasadlak sa pagtutulak at paggamit ng droga.’’

“Nakakatulong na tayo sa community ay kumikita pa tayo.’’

“Tama ka Alexis. Nagpapasalamat ako at umunlad ang buhay natin. Ang akala ko, mamamatay tayong mahirap. Yun pala, nasa lupa lang natin ang kasagutan. Kailangan lang ay masikap, matiyaga at maabilidad.’’

Napatangu-tango na nakangiti si Alexis.
Hanggang sa maiba sila ng pinag-uusapan.

“Ano na kaya ang balita kay Sir Nath, Tatay? Galit pa kaya sa akin yun at gagantihan ako dahil sa nagawa kong pakikialam sa ka-live-in niya?’’

“Palagay ko hindi na. Kung gagantihan ka e di sana noon pa. Sa dami ng pera ni Sir Nath ay gasino nang umupa ng hired killer para itumba ka. Matagal nang nangyari iyon at wala namang naghahanap sa’yo. Hindi ka na gagantihan nun. At saka isa pa, hindi mo naman kasalanan – yung ka-live-in niya ang dapat managot dahil tinukso kang magkasala. Kalimutan mo na yun.’’

Napahinga nang ma­lalim si Alexis.

“Baka nasa ibang bansa na si Sir Nath. Di ba sabi mo ang mga anak nun ay nasa Aus­tralia.’’

“Baka nga Tatay. Pero paano ang kanyang ari-arian? Ang dami niyang ari-arian?’’

“E di ibebenta si­guro yun.’’

“Ang yaman ni Sir Nath ano, Tatay?’’

“Kaya rin nating yu­­maman, Alexis.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with