^

True Confessions

Ahas sa Garden (216)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, sinimulan na ni Brenda ang planong pagwi-withdraw ng pera sa joint account nila ni Nath. Kabisado na niya ang account number nila.

Nagpaalam siya kay Nath na may bibilhin lang sa supermarket na nasa ground floor ng condominium.

“Anong bibilhin mo Babe?’’ tanong ni Nath na noon ay nagbabasa ng diyaryo sa mesa.

“Napkin.’’

“Okey. Mamaya pagbalik mo maghanda ka na at pupunta tayo sa casino. Kailangang makabawi tayo ngayong araw na ito.’’

“Saglit lang ako sa supermarket.’’

Nagmamadaling bumaba si Brenda.

Nasa ground floor ng condo ang banko nila ni Nath. Nag-withdraw siya ng P100,000. Unti-unti ang gagawin niyang pagwi-withdraw hanggang sa masimot niya ang P20 milyon. Bukas o sa makalawa, magwi-withdraw uli siya.

Makaraang mag-withdraw, itinago niyang mabuti ang pera at saka bumili ng sanitary napkin sa supermarket na katabi lang ng banko. Pagkatapos ay nagmamadaling bumalik sa kanilang unit.

“Narito na ako, Babe.’’

“Ano bang binili mo, Babe?’’

“Napkin nga.’’

“Dinatnan ka ba?’’

“Hindi pa. Mabuti na ang handa. Baka habang nasa casino tayo e datnan ako.’’

“Ah oo nga. Baka kung kailan nasa kasarapan ang pagta-time slot mo e saka ka datnan.’’

“Maliligo na ako Babe para maaga tayong makaalis.’’

“Oo. Maligo ka na. Ako hindi na maliligo.”

“Bakit Babe?’’

“Baka mawala ang suwerte! Bukas na lang ako gogoli.’’

Napangiti lang nang lihim si Brenda. Bago naligo, itinago niya sa kanyang maleta ang P100,000 na winid-draw. Pupunuin niya ng pera ang maletang iyon!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with