^

True Confessions

Sinsilyo (150)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SHOCK si Mau at Lyka sa narinig kay Lolo Dune Kastilaloy tungkol sa mga masa­sama pang ginaga­wa ni Gaude. Isa nga ay ang ginagawa raw nitong paninilip kay Lyka. Nag­lubid na ng kasinungali­ngan si Kastilaloy para madiin nang todo si Gaude at magalit nang sagad si Mau. Parang totoong-totoo ang mga sinumbong nito laban kay Gaude.

‘‘Nang mahuli ko nga si Gaude na sini­silipan si Lyka, galit na galit sa akin at pinag­bantaan ako. Papata­yin daw ako. May pata­lim daw siya. Yung pa­talim niya ay yung ginamit din kay Layka nang pasukin ito sa kuwarto.’’

“Talaga palang napakawalanghiya ni Gaude. Nagkamali pala talaga ako sa pagkupkop sa kanya,’’ sabi ni Mau na halata pa rin sa boses ang galit. Nakatingin naman si Lyka kay Lolo Kastilaloy. Nagtataka siya kung bakit ganoon ang istorya ng matanda. Hindi naman ganoon ang nangyari. Hindi naman siya pinasok ni Gaude at tinutukan ng patalim. Ganunman, hinayaan na lang niya ang matanda. Mabuti nga at inililigtas siya nito. Pero nagtataka pa rin siya.

“Madalas silipan ni Gaude si Lyka kapag naliligo. Tuwing alas nuwebe ng umaga ay nakapuwesto siya sa ginawang butas. Enjoy na enjoy siya!’’ sabi pa ni Kastilaloy.

Nagsalita naman si Lyka, ‘‘Tuwing alas nuwebe nga ako naliligo. Pero wala naman akong nahahalata na may naninilip sa akin.’’

“E paano’y maganda ang puwesto ng butas. Gumawa pa siya ng kunwari ay bahay-bahayan para huwag mapansin na may naninilip. Nasa loob ng bahay-bahayan ang butas.’’

“Kaya pala wala akong naririnig na ingay. Bago pala niya ako gahasain ay pinagsawaan na pala muna niya ako,’’ sabi pa ni Lyka na umiyak pero wala namang luha na tumulo sa mga mata.

‘‘Siguro’y dahil sa araw-araw na paninilip sa iyo kaya nademonyo ang Gaude na iyon. Masyadong nalibugan. Hayup talaga!’’ sabi ni Mau.

“Oo nga. Nalibugan kay Lyka,” sabi naman ni Kastilaloy na nakatingin kay Lyka. Dumako ang tingin sa dibdib ni Lyka na halatang walang bra.

“Ituro mo nga sa amin Tatang Dune ang butas na ginawa ng ahas na si Gaude. Gusto ko ngang makita iyon !’’ sabi ni Mau na nakakuyom ang mga kamao.

‘‘Halikayo sa likod. Ipakikita ko sa inyo ang ginawa ni Gaude. Masa-shock kayo!’’

Tinungo nila ang likod ng bahay.

Itinuro ni Kastilaloy ang bahay-bahayan na gawa sa mga basyong lata na lalagyan ng sinsilyo o barya. Shock si Mau at Lyka. Munting bahay iyon na may “milagrong” nangya­yari sa loob.

“Halikayo sa loob!’’

Pumasok sila. Ipinakita ni Kastilaloy ang butas.

“’Yan ang butas. Di­yan nakasilip si Gaude habang naliligo si Lyka!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

HALIKAYO

KASTILALOY

KAY

LOLO DUNE KASTILALOY

LOLO KASTILALOY

LYKA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with