^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAGKASUNDUNG-MAGKASUNDO sina Sam at Aya. Hindi nagseselosan. Kapag nakita ni Aya na sumususo si Sam sa inang si Brenda ay hindi ito nagagalit. Parang kapatid na ang turing ni Aya kay Sam.

Napapansin iyon ni Brenda.

“Natutuwa ako kina Sam at Aya. Hindi sila nag-aaway. Di ba ang mga ganitong age ng bata ay nagbabangayan sila dahil sa laruan o maski sa pagkain,” sabi ni Brenda kay Nanay Cion.

“Ako man ay natutuwa, Brenda. Napakabait ng dalawang ito.’’

“Siguro po’y dahil sa iisa ang pinagmulan ng gatas na sinususo nila.’’

“Siguro nga, Brenda.’’

“Mahalaga talaga na ma-breastfeed ang bata.’’

“Kung hindi ka nagpunta rito, ano na kaya ang nangyari kay Sam? Baka payat na payat at baka hindi makatakbo.”

“E siguro naman po ay makakahanap kayo ng tutulong kay Sam. Malay n’yo may biglang mag-alok na pasusuhin siya.”

“Akala ko noon hindi maaaring mangyari na makikisuso ang isang sanggol sa hindi naman niya ina.”

“Meron na pong nangyaring ganyan, Nanay. Noon daw pong Japanese time ay maraming babae ang naging “gatasan”. Maraming babae ang nagpapasuso sa mga sanggol na hindi naman nila anak. Marami raw pong nakaligtas na baby dahil sa pagpapasuso. Kasi’y noon daw ay talagang mahirap ang buhay.

“Totoo palang nangyayari iyon, Brenda.”

“Opo, Nanay.’’

“Napakabuti ng mga babaing nagpasuso sa mga batang hindi naman nila kaanu-ano. Sila ang mga babaing hinahangaan ko. At kasama ka roon, Brenda. Ha­ngang-hanga ako sa’yo.’’

“Salamat po, Nanay Cion.”

ISANG umaga, nagpaalam si Brenda kay Nanay Cion at Tatay Ado.

“Pupunta po muna ako ng Maynila, Nanay, Tatay. May mahalaga po akong gagawin doon.”

“Ipagsasama mo si Aya?”

“Hindi po.”

(Itutuloy)

AYA

BRENDA

IPAGSASAMA

ITUTULOY

NANAY

NANAY CION

SIGURO

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with