Alakdan (95)

NAKATINGIN si Troy sa asawa ni Mayette na bagong dating mula sa Saudi Arabia. May edad na pala ang asawa ni Ma-yette. Medyo nakakalbo na at manipis ang kata­wan. Kabaliktaran ito sa sinabi ni Mayette kay Digol na matikas ang asawa dahil dating miyembro ng Marine. Tinatakot lang pala si Digol. Hindi na niya matandaan kung bakit kailangan pang takutin ni Mayette si Digol.

Sinundan pa ng tingin ni Troy ang asawa ni Ma-yette. Walang dala kundi ang bag na nakasakbat sa balikat. Kumatok ito sa gate. Lumabas ng bahay si Kreamy. Agad na binuksan ni Kreamy ang gate. Nang mabuksan ay nilapitan ang ama at mahigpit na niyakap. Halatang sabik na sabik si Kreamy sa ama. Isinara ni Kreamy ang pinto at pagkatapos    ay pumasok na sila sa loob ng bahay.

Nasaan kaya si Ma- yette at hindi ito ang nag-bukas ng gate? Baka na­aasar pa rin si Mayette. Kung ang ibang misis ng OFW ay sabik na sabik sa pagdating ng kanilang mister, kabaliktaran kay Mayette. Siguro’y hindi na nga mahal ni Mayette ang asawa. Kung mahal, hindi niya pagtataksilan. Matagal din silang nagkaroon ng relasyon ni Digol. Kung hindi siya iniwan ni Digol, baka hanggang ngayon ay sila pa rin ang magkasalo sa kasalanan. Hindi niya alam kung bukod kay Digol ay mayroon pa itong ibang nakarelasyon. At ngayon nga, pati siya ay gustong isali ni Ma-yette. Gusto siyang “ma-tikman’’. Pero iiwas siya kay Mayette. Susundin niya si Kreamy.

Dalawang araw makaraang dumating ang asawa ni Mayette, nakita ni Troy isang umaga na paalis ang mga ito. Sabay na naglakad sa kalsada. Saan kaya pupunta? Baka naman hindi na galit si Mayette sa asawa. Baka nakapag-isip-isip na. Sana nga para wala nang kumukulit sa kanya. Sana nga para wala nang nagnanasa sa kanya.

(Itutuloy)

Show comments