^

True Confessions

Thelma (53)

- Ronnie M. Halos -

NANGUNGULEKTA ng panty? May sakit daw si Mang Caloy kaya ganoon. Hindi kaya inaartehan lamang siya ng matanda para hindi siya umalis? Iyon ang mga naitanong ni Thelma sa sarili. Pero alam na niyang may ganoong sakit nga ang ilang kalalakihan. Nasisiyahan kapag nakapagnakaw ng bagay na kinababaliwan nila. Dahil masidhi ang pagkagusto, kahit pa anong mangyari ay pilit na kukunin ang bagay na nagpapasaya.

At ganoon si Mang Ca­loy. Nasisiyahan kapag nakapagnakaw ng panty. Katibayan ang mara-ming panty na nasa drawer ng cabinet. Gaanon kaya ka­tagal na nangongolekta ng panty si Mang Caloy? Matagal na marahil dahil ang mga panty na nasa cabinet ay madidilaw na. Halatang matatagal nang ginaganit ang mga panty na nasa cabinet. At siguro’y karamihan sa mga panty ay butas na.

“Huwag ka nang umalis, Thelma. Sa atin-atin na lamang ang nangyari. Huwag na sanang malaman pa ng iba dahil baka kumalat pa e nakakahiya. Patawarin mo na ako, Thelma. Hindi ko lang talaga napigilan ang matinding pagkagusto sa panty mo kaya ko kinuha. Huwag mo sanang ikuwento sa iba pa at nang hindi na kumalat.”

Hindi nagsasalita si Thel­ma. Nagmamakaawa na   sa kanya si Mang Caloy.

Nanatiling walang imik si Thelma. Hanggang sa ma-naig ang kanyang maaa-waing puso,

“Sige patatawarin kita Mang Caloy pero sa isang kondisyon…”

“Anong kondisyon Thelma?”

“Gusto kong malaman kung bakit kuwadrado ang butas sa pader? Cell phone ba ang ginagamit mo sa akin?”

Sukol na si Mang Caloy. Wala nang kawala.

“Oo, Thelma. Cell phone ko ang ginamit.”

Kahit na nahulaan o natiyak na ni Thelma na cell phone ang ginamit in Mang Caloy ay parang sinampal pa rin siya. Nagpanting ang kanyang mukha.

Pero gustong malaman ni Thelma ang detalye.

“Paano ginawa mo Mang Caloy?”

“Inilagay ko sa butas ang cell phone at saka ko pinipindot kapag alam kong nasa banyo ka na.”

“Noong maligo ako, nakunan mo ako?” Tanong pa ni Thelma.

“Oo.”

“Doon mo rin inilagay ang cell phone sa butas sa dingding?”

“Hindi.”

“E, saan?”

“Sa may pintuan. May butas sa pinto pero hindi halata. Doon kita kinunan habang naliligo.”

Gustong sampalin ni Thelma si Mang Caloy. Pero paano niya masasampal ang taong nagsasabi na ng mga detalye.

(Itutuloy)

vuukle comment

CALOY

HUWAG

MANG

MANG CALOY

PANTY

PERO

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with