^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (Wakas)

- Ronnie M. Halos -

MAAGANG nagtungo sa Quiapo sina Fred at Ganda. Nagsimba muna sila. Pagkaraang magsimba ay tu-mawid sila sa Quezon Blvd. at naglakad sa may estero na malapit sa R. Hidalgo.

“Natatandaan mo ba, Ganda?”

“Ang natatandaan ko, dito sa may malapit sa MLQU ako nagdaan. Inihatid pa ako ng matanda.”

“Saan ka rito nagdaan?”

“Dun sa esterong yun, Fred. Yung gilid ay halos matakpan na ng mga ba-rung-barong.”

“Saan ka nagdaan e dikit-dikit ang mga barung-barong diyan. Baka hindi diyan, Ganda.”

Inalala ni Ganda kung doon nga siya sa estero na yun siya umahon at doon nakita ng matanda. Hanggang sa maalala niya.

“Alam ko na! Ang barung-barong ng matanda ay mala-pit sa paradahan ng pedicab.”

“Pero saan yun?”

“Itanong natin sa mama na yun.”

Tinanong nila. Itinuro sa kanila. Umikot daw sila at makikita ang paradahan ng pedicab. Sinunod nila ang sinabi ng lalaki.

Nakita nila ang paradahan. Natandaan ni Ganda, doon nga siya napadpad nang masunog ang restaurant. Hinanap nila ang barung-barong ng matanda.

Pero hindi nila makita. Pero malakas ang kutob ni Ganda, dito sa lugar na iyon ang barung-barong.

Nagtanong sila sa isang tindahan.

“Dito po ba nakatira yung matandang babae na masarap magluto ng puto?”

“Matandang babae?”

“Opo. Maputi na ang bu­hok. Mabait. Nag-iisa na siya sa bahay niya.”

“Baka si Lola Ela ang sinasabi mo?”

Ipina-describe ni Ganda ang itsura ng matanda. Yun nga ang matanda na naglig-tas sa kanya.

“Nasaan siya?”

“Matagal nang patay yun.”

“Hindi. Tinulungan niya ako. Sa barung-barong niya ako natulog ng ilang araw. Biktima ako ng sunog diyan sa may Bilibid Viejo noon.”

“Ay nakakapanindig ng balahibo ang sinabi mo, Mam.”

“Bakit?”

“Kasi’y sa sunog din namatay ang apo niya. Kaisa-isang apo. Nagkasunog dito sa lugar na ito noon. Pero matagal na iyon. Masyadong nalungkot si Lola Ela sa nangyari. Pero natanggap din niya ang lahat. Dito na rin siya namatay sa ka­tandaan. Matagal nang patay ang matanda. Siguro, kaluluwa niya ang nagligtas sa’yo…”

Nanindig ang balahibo nina Fred at Ganda.

Nagpaalam na sila sa ba­bae. Habang naglalakad, hi­nihimas ni Ganda ang “mutya” na palawit ng kuwintas niya.

“Fred, si Lola ang nagligtas sa akin. Nadarama ko. Mainit ang mutya nang hawakan ko. Nagpaparamdam si Lola.”

“Hilingin mo na suwerte- hin pa tayo sa negosyo.”

“Oo gagawin ko.”

Lumipas pa ang mga ta­on at lalo pang naging matatag ang negosyo nina Fred at Ganda. Marami pa silang natulungang kabataan.

(Bukas, abangan ang bagong nobela ni Ronnie M. Halos)

vuukle comment

BILIBID VIEJO

DITO

GANDA

LOLA

LOLA ELA

MATAGAL

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with