Ako ay Makasalanan(53)
MALAKAS na malakas ang tama ng imported na alak sa akin. At iyon ang dahilan kung bakit wala na akong kahiya-hiya pa. Talagang pinatatapang ng alak ang sinumang tao — iyon nga lang hindi na naaabot ng isip kung tama nga ba ang ginagawa. Mas malakas ang utos ng espiritu ng alak na gawin ang mali at hindi nararapat.
Asong ulol na ang nakita ko sa katauhan ni Prof. Kung kanina ay maamong tupa, ngayon ay ulol na asong gala pa. Parang bang-aw (tawag sa amin sa asong ulol). Pero wala na akong nadaramang takot kahit pa lapain ng asong ulol na ito. Kaya ko rin naman siyang harapin. Pero titiyakin ko na ang bawat pagkagat niya sa akin ay may kapalit. Hindi ko hahayaang kagatin na lang niya ako nang kagatin at lawayan nang lawayan. Huhuthutin ko ang anumang meron siya. Ganito lang ang labanan ngayon. Hindi ako papayag na maapi. Maaari niyang gawin ang anuman sa akin pero may kapalit.
“Ano Sir, gusto mo na?”
“Sa kuwarto na tayo Tess,” sagot na tila sabik na sabik.
“Ikaw ang bahala.”
Inalalayan niya ako sa pagtungo sa kuwarto niya. Para kaming sina Eba at Adan na nasa paraiso. Yun nga lang, kuluntoy na ang kapartner ni Eba, ha-ha-ha.
Habang patungo sa kuwarto ay parang sumusuray ako at ganoon din naman si Sir. Pero sa tingin ko, lalaban ang matandang ito. Parang sanay na sanay sa pakikipaglaro. Siguro hindi lamang ako ang estudyanteng nabiktima niya. Tila ba, planado ang mga gagawin. Mula sa pagpapatuloy sa bahay niya, sa paghahanda ng pagkain, sa hindi na pagbibigay ng exam, sa paghahanda ng alak, sa pagbibigay ng pera, sa aming pag-iinuman, sa paghuhubad at ngayon ay ang pinale —— sa kanyang kuwarto.
Inalalayan niya ako patungo sa malaking kama. Ibinagsak ko ang aking hubad na katawan doon. Para akong bolang tumalbog.
Kasunod kong bumagsak si Sir. Maya-maya pa, nasa ibabaw na siya. Pero dumausdos. Pumaibaba. Hanggang sa maitapat ang kanyang mukha sa “langit” na hinahanap. Sanay ang propesor na maghanap ng “langit”. At ang estudyante naman ay nagpaubaya na. Wala nang lakas para tumanggi. At isa pa, wala talagang balak tumanggi.
Nakita ng propesor ang “langit” ng estudyante. Ineksamen. Siniyasat nang walang puknat. Ang estudyante ay nagpapaubaya. At hindi siya maaaring tumanggi sapagkat gusto na rin niya ang ginagawang pag-eksamin ng propesor. Hindi niya mapipigil ang ginagawa sapagkat tila iniaakyat siya sa kaluwalhatian. Nakikita ng estudayanye na mamaya lamang ay magkakaroon nang mga pagsabog. Walang ipinagkaiba sa nangyayaring putukan kung Bagong Taon. Pero gusto niyang magtagal pa ang ginagawang pag-eksamin ng propesor. Huwag mo munang titigilan ang pagbulatlat, matandang propesor! (Itutuloy)
- Latest
- Trending