Darang sa baga (66)

"PAANO kung magwala at mag-eskandalo ang anak mo?"

"Tumawag ka sa guwardiya sa baba."

"Natatakot ako Fil. Matapang ang anak mo. Baka kung ano ang gawin sa akin kapag hindi ko pinapasok."

"Isara mong mabuti ang pinto at kahit na ano ang gawin niyang pagkatok o pagkalabog, huwag mong pansinin. Titigil din yon..."

Napabuntung-hininga ako. Hindi kasi alam ni Fil ang nararamdaman kong takot kaya hindi siya masyadong apektado.

"Ang akala ko ba safe tayo rito sa condo?" sumbat ko. "Iyon pala mas matindi pa sa nangyari sa akin sa dati nating tirahan. Doon multo lang yata ang nagpaparamdam samantala dito e totoong tao at matapang pa."

"Gusto mong magbalik sa bahay sa Novaliches?" tanong sa akin.

"Hindi na oy!" sagot ko.

"So huwag ka nang masyadong magreklamo. Okey ba Nena?"

Bahagyang tango ang ginanti ko.

Mula noon ay naging alerto na ako. Huwag lang may kakatok sa pinto ay agad kong sinisilip sa maliit na butas sa pinto.

Minsan isang tanghali habang abala ako sa paglilinis sa kusina ay nakarinig ako ng mga banayad na katok sa pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa may bintana at sinilip kung sino ang kumakatok.

Gimbal ako sa nakita – si Carlo! Ang dati kong boyfriend.

(Itutuloy)

Show comments