Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa mga caregiver na nagngangalang Shirley Elnar.
Nagsampa ng petisyon sa Korte ang wa-long kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang pangyayari sa buhay ni Azucena makaraang dumulog ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kaawa-awang kalagayan.
Narito ang pagpapatuloy ng kasaysayan ni Azucena.
Tutol ang mga kapatid ni Azucena kay Benjamin lalo pa nga ang dalawang kapatid na madre na si Sister Miriam at Sister Marie. Panganay si Sister Miriam na ngayon ay nasa St. Pauls College at si Sister Marie naman ay nasa Los Angeles City, California. Hindi matanggap ng dalawang madre na ang kanilang bunsong kapatid ay mag-aasawa at ang napili ay isang dating abortionist.
Pero walang nagawa ang dalawang kapatid na madre. Ayaw man nila wala silang magagawa sapagkat hindi nila hawak ang puso ng kanilang kapatid na si Azucena. May sarili na itong buhay at hindi na maaaring panghimasukan sa bagay na iyon. Pero sa kanilang kalooban, ayaw na ayaw nila sa lalaking nagugustuhan ng kanilang kapatid. Walang nagawa ang dalawang madreng kapatid kundi ipagdasal na la-mang si Azucena. Ang kapangyarihan na lamang ng dasal ang kanilang paiigtingin para maliwanagan ang kapatid. Pero maski ang panalangin ay nawalan ng saysay sapagkat nagpakasal sina Azucena at Benjamin noong July 5, 1990. Sa Wauesta County, Milwaukee, Wisconsin sila ikinasal.
Maligayang-maligaya si Azucena. Sinong babae ang hindi magiging maligaya sa pagkakataong iyon na nagkaroon na ng katuparan ang kanyang pangarap na magkaroon ng makakasama habambuhay. (Itutuloy)